DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Friday, June 3, 2011

TANDAAN: Napapagod din ang PUSO

"You don't mean ANYTHING to me... You mean EVERYTHING to me..."

Minsan ba naisip mo din na "Sana nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sa'yo to"? Yun bang nung nandyan siya, parang binabalewala mo lang siya. Yung tipong pinaparamdam mo sa kanya na wala lang siya at parang normal lang lahat ng bagay sa paligid mo, yung parang gusto mo matapos na agad yung oras, yung tipong lagi kang nagmamadali kapag kasama mo siya tapos nung napagod na siya sa'yo, naisip mo na sana nasabi mo sa kanya kung gaano mag-iba yung mundo mo kapag kasama mo siya. Naisip mo bigla na sana nasabi mo na sana hindi na matapos ang araw kapag kasama mo siya, na bumibilis yung tibok ng puso mo kapag nandyan siya, na parang lahat ng bagay sa mundo ay maganda basta siya kasama mo.

Bakit nga ba ganun ang mga tao? Kapag andyan na, deadma lang tapos kung kailan nawala  na hahanap-hanapin mo naman. Sabagay, bakit mo nga naman ba hahanapin yung taong andyan na. PERO ang point ko, habang nandyan yung bagay o tao, pahalagahan mo...


TANDAAN: NAPAPAGOD DIN ANG PUSO

Hindi yan robot na basta may battery, okay na. Kahit nga robot tumitigil kapag wala ng battery. Tao yan! TAO! May pusong napapagod at nasasaktan. Kung mahal mo yung tao then tell him/her. Wag mong hintaying mahuli ang lahat.

No comments:

Post a Comment