"Mamahalin kita hanggang wakas... Pangako yan"
Minsan sa buhay mo, nagmahal ka ng wagas. Yung tipong siya na yung gusto mong makasama panghabang-buhay.
Oo nga at dumating yung araw na pinahihintay mo. Yung araw na magiging simula ng pagsasama niyo ng walang hanggan. Sa harap ng Diyos ay sumumpa kayo na magsasama sa hirap at ginhawa. Nagsumpaan na mamahalin at aalagaan ang isa't-isa hanggang nabubuhay kayo sa mundong ito. Nangarap kayo ng sabay. Nangarap na hanggang pagtanda niyo kayo pa rin, na may mga anak kayo at masaya kayong nagsasama. Mga pangarap na walang kasing saya.
Lumipas ang mga araw..... Hindi maiiwasang may mga awayang nangyari. Hindi nagtagal, nagkahiwalay kayo. Nagkahiwalay dahil sa mga bagay bagay na hindi niyo pinagkakasunduan. Ito na nga ba ang simula ng pagkasira niyo? Nasayang na ba ang pangakong binitawan niyo sa harap ng Dyos? Natandaan mo pang sinabi niya sa'yo na "Mamahalin kita hanggang wakas. Pangako yan" pero ngayon nagtatanong ka kung ano na ang nangyari sa pangakong yun. Bakit kailangang magwakas agad ang pagmamahalan na minsan mong pinangarap? Bakit kailangang ang dalawang singsing na nagsilbing pag-iisa niyo ay maging isa na lamang? Wala na bang pag-asa?
Nakakalungkot isipin na napunta sa wala yung pangako niyo na sinabi niyo pa sa harap ng Dyos. Nakakalungkot na nasayang yung pinangarap mo na masayang pamilya. Haaaaay........ Nakakalungkot...... Ngayon, ang singsing na iyan na lang ang magpapaalala sa'yo na minsan sa buhay mo may minahal ka pero mananatili na lamang siyang parte ng kasaysayan mo.
No comments:
Post a Comment