DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Friday, June 3, 2011

Byahe ng buhay ko

Bawat tao sa mundong ibabaw may kanya-kanyang byahe ng buhay. May mga taong maganda ang daloy ng byahe nila, kumbaga walang traffic. May mga tao naman na naiipit sa traffic ng buhay nila. May mga tao na napapag-iwanan dahil sa dami ng aberya na nangyayari. Ako? Magulo... Magulong byahe. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nung tumigil ang byahe ng buhay ko. Hindi maiiwasan pero may mga pagkakataon talaga na kelangan mong tumigil para maintindihan mo ang mga bagay bagay. Ilang taon ako nagbyahe kasama ang isang tao pero isang araw, parang aksidente na bigla syang nawala. Hindi ko alam kung pano tatanggapin. Ni hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula para maituloy ang byahe ng buhay ko. Oo, masakit pero anong gagawin ko? Ayokong pilitin ang bagay na hindi na pwede. Ang masakit pa nito, masyado akong dumepende sa kanya, umasa sa pangako na magkasama kaming magbibiyahe hanggang sa dulo ng daan, poprotektahan ako para hindi masaktan. Sa kasamaang palad, parang bula na naglaho lahat. Pano mo ba tatanggapin at aalisin ang isang bagay na naging parte na ng sistema ng buhay mo? Minsan gusto kong magalit sa mundo at sabihing "anak naman ng pucha oh! Bakit ako pa? Bakit sya pa yung kinuha nyo sakin?!". Bakit ko ba sinusulat ito ngayon?! Ayokong maging ipokrita. Namimiss na kita... Hinahanap hanap kita... Yung mga ngiti mo... Yung paglalambing mo... Yung pagiging maalaga mo... At higit sa lahat, yung pagmamahal mo... Yung buong pagkatao mo! 



Minsan, di ko mapigilang umasa na isa sa mga araw na ito, makikita kita sa isang kanto at hinihintay ang pagdaan ko para muli akong samahan sa byahe ng buhay ko. Sa ngayon, nagsisimula na akong ituloy ang naudlot na byahe ko.... Ang byahe na walang kasama at walang inaasahan kundi ako lang. Magulo man pero alam ko magiging masaya rin ako, hindi man ngayon pero sa susunod na mga araw. Yan ang byahe ng buhay ko. Tara! Sabayan nyo ako! ;)

No comments:

Post a Comment