DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Friday, June 3, 2011

Mapanlinlang...

Marami ngang mapanlinlang na tao sa mundong ibabaw ngayon. Isa ka ba sa kanila?


Mahirap magpanggap na masaya ka yun pala sa loob loob mo nasasaktan ka na. Habang naririnig mo siyang sinasabi na may gusto siya dun sa isang babae. Yung tipong nakangiti ka pero...........kung makakapagsalita lang yung puso mo, sasabihin niya sa taong gusto mo "Tama na pwede ba? Nasasaktan na ako ng todo. Kuha mo?!". 


Bakit kailangan pa manlinlang ng tao? Bakit hindi mo siya diretsahin na nasasaktan ka na? Oo nga andun na ako sa point mo na gusto mong mahalata niya na nasasaktan ka na pero ang tanong ay PANO? Pano niya malalaman kung bawat sulyap niya sayo ay ngiti ang nakikita niya? PANO? Sabihin mo kung PANO?! Gusto mong malaman niya na nagtatampo ka para lambingin ka niya? Ganun ba? Pano nga niya malalaman kung nalilinlang mo siya sa mga ngiti mo?!

Haaaaaaayyyyyyyy.......... Mapanlinlang kasi ang mga tao............

Oh ano na ngayon? Isa ka ba sa kanila?


MAPANLINLANG!

No comments:

Post a Comment