LOVE... LOVE??? LOVE!!!
Maraming nakakatawang bagay kapag nagmamahal ka no? Napansin ko lang sa mga taong nakapaligid sa'kin. Nakakatawa yung mga nagmamahalan. Ito ang tanong ko sa inyo..... "Bakit kelangan niyo pang saktan ang isa't-isa kung nagmamahalan naman pala kayo?". Sabi nila, para daw malaman kung mahal ba talaga nila yung kapartner nila, yung iba naman sinasabi na kelangan pa masaktan para mas lalong tumibay yung pagmamahalan nila. TSK TSK TSK! Patawa kayong lahat! Hindi niyo ba naisip na baka dahil sa sakit na dinudulot niyo sa puso ng isa't-isa baka dumating yung puntong bumitaw na kayo. Oo! Ang mga taong nagmamahalan, parang mga saranggola. Yung isa yung saranggola at yung isa yung nagpapalipad nun. May mga pagkakataong kahit gaano pa kahigpit yung kapit nung tao sa saranggola niya, napapatid pa rin yung tali dahil sa lakas ng hangin na humahampas pero meron din namang pagkakataon na yung nagpapalipad na mismo yung bumitaw dun sa tali na nag-uugnay sa kanila nung saranggola.
Malungkot nga yung ganun pero syempre hindi naman sa lahat ng oras ay maaliwalas ang kalangitan para sa inyong dalawa. Maraming bagyo ang nagbabadyang paghiwalayin kayo ngunit ganun pa man, kelangan niyong magtiwala sa isa't-isa. Kapit lang!
Ito pa..... Pansinin niyo, kapag nagmamahal, lahat nagiging maganda, lahat nagiging tama kahit pa mali yun, lahat nagiging makulay kahit pa maraming problema. Kapag may nagseselos, talagang gagawa ng paraan yung isa para makaganti. Nakakatawa no? Bumabalik yung asal bata. Totoo na nagiging parang mga bata tayo kapag nagmamahal lalo na kapag nasasaktan. Sabi nga kahit gaano ka pa ka-mature, bumabalik ka sa pagkabata kapag nasaktan ka na dahil kahit anong mangyayari, hindi mo maiiwasang luluha ka dahil nasugatan yung puso mo. May mga tao kasi na kapag nagmahal, 100% ang binibigay kaya siya yung nasasaktan ng todo. Sabi nga nila iniingatan mo na hindi masaktan yung puso ng mahal mo pero hindi mo napapansin na unti-unti ng dumudugo yung puso mo. Pagmamahal nga naman.
No comments:
Post a Comment