I woke up this morning with this gloomy weather. I love the weather in the sense that my bed seems to be very inviting and I feel like not doing anything. LOL! Seriously now, a sudden thought entered my mind..... A thought that made me feel so alone. Pardon me if I become emotional today. I'm quite confused with how I feel. It's like I'm in total darkness again. Why is that? I want to cry without any reason at all. Nah, am not crazy (if I remember it right. LOL). Anyway, I just hate this feeling now and am not in the mood. Signing off!
DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.
Thursday, June 9, 2011
Wednesday, June 8, 2011
Old School Days
I am a confessed twitter addict. Well, yes (that's true)! Kanina, habang hinihintay ko professor ko, nakita ko yung isa sa mga trending topic. It was #oldschooldays. Parang biglang may nag-pop sa utak ko at nagsimula akong balikan ang nakaraan. Natawa na lang ako sa mga naalala ko. And I want to share it. LOL!
1) Cellphone na parang pangkaskas ng yelo sa laki (with matching antenna)
2) Baby-G na relo (yung umiilaw pa ng bongga)
3) Kisses na super inaalagaan pa dahil sa paniniwala na dumadami at nanganganak yun (ilalagay pa sa bulak)
4) Pencil case na ilang levels and with different buttons pa
5) Jurassic 5110 (aminin! nakagamit ka rin nyan! haha)
6) Ubod ng laki na PISO
7) Pogs at teks (hinahamon mo pa mga kaibigan mo para dumami yung sayo)
8) Tamaang tao, sekyo base at patintero (kahit naiiwan ka na ng school service, todo laro pa rin)
9) Medyas na may lace (haha! ang cute lang)
10) RECESS! Favorite! woooooo (lagi mong inaabangan yan! aminin!)
11) SIPSIP sa teacher!
12) Macarena! (sinaulo pa yung steps nun)
13) MS-DOS (nakakaloka, swear!)
14) Limang pisong papel
15) Noisy and Standing (aminin mo, gustong gusto mo maging taga-lista para makaganti sa kaaway mo! haha)
Ang daming nakakatawa sa nakaraan kaya kapag naaalala ko, napapangiti na lang ako. LOL! Bigla ko tuloy namiss yung elementary and HS life ko. Super thank you Lord for all the experiences! I just love you so much! And thank you for the continuous blessings!
Monday, June 6, 2011
Mabuhay ang Puerto Princesa!
I just got home from an awesome concert. I attended the Tunog Wunderground Concert! It was really a BLAST! The concert was intended to promote Puerto Princesa for it to be part of the "7 Wonders of Nature". I was really uncertain if I'll attend the concert so I asked my cousin if she'll be there since she's the one who invited me. Kinda surprised when she said "Yes, ako Project Manager nung conert" so I finally decided to watch the concert. Again, am LATE! hahaha! What's new? Good thing, my cuz gave me the opportunity to be in the VIP Section but before that, I voted for PP. The line was really loooooong (OA lang. Haha!). While voting, there was this man standing beside me. I really don't know what's with me but I immediately spoke to him and later on realized that he's the assistant of Mayor Hagedorn (mayor of Puerto Princesa). He was really cool! Mind you, we're textmates now. Haha!
The concert featured different artists like Indie artists, Baihana, Rivermaya, Nina, Dingdong Avanzado, Jim Paredes, Ogie Alcasid, Bituin Escalante, Gloc 9, Lolita Carbon, Noel Cabangon and his son, and a lot more. Mayor Hagedorn was there to support the event as well as to promote their place. Puerto Princesa through Mayor Hagedorn gave away 20 FREE ALL-EXPENSE PAID TRIP to Puerto Princesa to those who attended the concert and voted on site! That was really cool but I was not that lucky. LOL! Nevertheless, I enjoyed the concert!
Now, it's time to show your support! This will not only showcase the beauty of our country (Philippines) but it will also help our country's economy! Let's vote for Puerto Princesa Underground River to become one of the 7 Wonders of Nature. Text PPUR and send it to 2861 OR you may vote via their website. Vote for PP Underground River. It's http://t.co/6Pq57pL
Mabuhay ang Puerto Princesa!
Saturday, June 4, 2011
Christopher Lao Issue
After a heartbreaking exam in Credit Transaction, I saw the video about Christopher Lao and his car. I must admit, I had a good laugh while watching it but suddenly, I had a realization especially when some of my friends invited me to join the fan page made for Christoper Lao because of his hilarious act.
But you know what? Just because Christopher Lao did such act, that doesn't give any one of you the right to downgrade the man. Okay lang naman pagtawanan sya pero to call him "BOBO" is not proper. Tandaan mo, may sarili ka ring kapintasan. I believe the word "BOBO" is too harsh and he doesn't deserve to be called as such. This is my opinion. You may not agree with me but I just hope that you respect my opinion.
On the other hand, may mali din si Lao. He should have just admitted na may mali rin sya at di na sinisi ang iba at di na sana sya umakto ng ganun dun sa reporter. But still, di pa rin tama na pagpyestahan sya ng mga tao. Haha! Arguing on both sides, huh? LOL!
Friday, June 3, 2011
Byahe ng buhay ko
Bawat tao sa mundong ibabaw may kanya-kanyang byahe ng buhay. May mga taong maganda ang daloy ng byahe nila, kumbaga walang traffic. May mga tao naman na naiipit sa traffic ng buhay nila. May mga tao na napapag-iwanan dahil sa dami ng aberya na nangyayari. Ako? Magulo... Magulong byahe. Ilang buwan na rin ang nakakaraan mula nung tumigil ang byahe ng buhay ko. Hindi maiiwasan pero may mga pagkakataon talaga na kelangan mong tumigil para maintindihan mo ang mga bagay bagay. Ilang taon ako nagbyahe kasama ang isang tao pero isang araw, parang aksidente na bigla syang nawala. Hindi ko alam kung pano tatanggapin. Ni hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula para maituloy ang byahe ng buhay ko. Oo, masakit pero anong gagawin ko? Ayokong pilitin ang bagay na hindi na pwede. Ang masakit pa nito, masyado akong dumepende sa kanya, umasa sa pangako na magkasama kaming magbibiyahe hanggang sa dulo ng daan, poprotektahan ako para hindi masaktan. Sa kasamaang palad, parang bula na naglaho lahat. Pano mo ba tatanggapin at aalisin ang isang bagay na naging parte na ng sistema ng buhay mo? Minsan gusto kong magalit sa mundo at sabihing "anak naman ng pucha oh! Bakit ako pa? Bakit sya pa yung kinuha nyo sakin?!". Bakit ko ba sinusulat ito ngayon?! Ayokong maging ipokrita. Namimiss na kita... Hinahanap hanap kita... Yung mga ngiti mo... Yung paglalambing mo... Yung pagiging maalaga mo... At higit sa lahat, yung pagmamahal mo... Yung buong pagkatao mo!
Minsan, di ko mapigilang umasa na isa sa mga araw na ito, makikita kita sa isang kanto at hinihintay ang pagdaan ko para muli akong samahan sa byahe ng buhay ko. Sa ngayon, nagsisimula na akong ituloy ang naudlot na byahe ko.... Ang byahe na walang kasama at walang inaasahan kundi ako lang. Magulo man pero alam ko magiging masaya rin ako, hindi man ngayon pero sa susunod na mga araw. Yan ang byahe ng buhay ko. Tara! Sabayan nyo ako! ;)
TANDAAN: Napapagod din ang PUSO
"You don't mean ANYTHING to me... You mean EVERYTHING to me..."
Minsan ba naisip mo din na "Sana nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin sa'yo to"? Yun bang nung nandyan siya, parang binabalewala mo lang siya. Yung tipong pinaparamdam mo sa kanya na wala lang siya at parang normal lang lahat ng bagay sa paligid mo, yung parang gusto mo matapos na agad yung oras, yung tipong lagi kang nagmamadali kapag kasama mo siya tapos nung napagod na siya sa'yo, naisip mo na sana nasabi mo sa kanya kung gaano mag-iba yung mundo mo kapag kasama mo siya. Naisip mo bigla na sana nasabi mo na sana hindi na matapos ang araw kapag kasama mo siya, na bumibilis yung tibok ng puso mo kapag nandyan siya, na parang lahat ng bagay sa mundo ay maganda basta siya kasama mo.
Bakit nga ba ganun ang mga tao? Kapag andyan na, deadma lang tapos kung kailan nawala na hahanap-hanapin mo naman. Sabagay, bakit mo nga naman ba hahanapin yung taong andyan na. PERO ang point ko, habang nandyan yung bagay o tao, pahalagahan mo...
TANDAAN: NAPAPAGOD DIN ANG PUSO
Hindi yan robot na basta may battery, okay na. Kahit nga robot tumitigil kapag wala ng battery. Tao yan! TAO! May pusong napapagod at nasasaktan. Kung mahal mo yung tao then tell him/her. Wag mong hintaying mahuli ang lahat.
Ang saranggola ng buhay mo
LOVE... LOVE??? LOVE!!!
Maraming nakakatawang bagay kapag nagmamahal ka no? Napansin ko lang sa mga taong nakapaligid sa'kin. Nakakatawa yung mga nagmamahalan. Ito ang tanong ko sa inyo..... "Bakit kelangan niyo pang saktan ang isa't-isa kung nagmamahalan naman pala kayo?". Sabi nila, para daw malaman kung mahal ba talaga nila yung kapartner nila, yung iba naman sinasabi na kelangan pa masaktan para mas lalong tumibay yung pagmamahalan nila. TSK TSK TSK! Patawa kayong lahat! Hindi niyo ba naisip na baka dahil sa sakit na dinudulot niyo sa puso ng isa't-isa baka dumating yung puntong bumitaw na kayo. Oo! Ang mga taong nagmamahalan, parang mga saranggola. Yung isa yung saranggola at yung isa yung nagpapalipad nun. May mga pagkakataong kahit gaano pa kahigpit yung kapit nung tao sa saranggola niya, napapatid pa rin yung tali dahil sa lakas ng hangin na humahampas pero meron din namang pagkakataon na yung nagpapalipad na mismo yung bumitaw dun sa tali na nag-uugnay sa kanila nung saranggola.
Malungkot nga yung ganun pero syempre hindi naman sa lahat ng oras ay maaliwalas ang kalangitan para sa inyong dalawa. Maraming bagyo ang nagbabadyang paghiwalayin kayo ngunit ganun pa man, kelangan niyong magtiwala sa isa't-isa. Kapit lang!
Ito pa..... Pansinin niyo, kapag nagmamahal, lahat nagiging maganda, lahat nagiging tama kahit pa mali yun, lahat nagiging makulay kahit pa maraming problema. Kapag may nagseselos, talagang gagawa ng paraan yung isa para makaganti. Nakakatawa no? Bumabalik yung asal bata. Totoo na nagiging parang mga bata tayo kapag nagmamahal lalo na kapag nasasaktan. Sabi nga kahit gaano ka pa ka-mature, bumabalik ka sa pagkabata kapag nasaktan ka na dahil kahit anong mangyayari, hindi mo maiiwasang luluha ka dahil nasugatan yung puso mo. May mga tao kasi na kapag nagmahal, 100% ang binibigay kaya siya yung nasasaktan ng todo. Sabi nga nila iniingatan mo na hindi masaktan yung puso ng mahal mo pero hindi mo napapansin na unti-unti ng dumudugo yung puso mo. Pagmamahal nga naman.
Pangako yan...
"Mamahalin kita hanggang wakas... Pangako yan"
Minsan sa buhay mo, nagmahal ka ng wagas. Yung tipong siya na yung gusto mong makasama panghabang-buhay.
Oo nga at dumating yung araw na pinahihintay mo. Yung araw na magiging simula ng pagsasama niyo ng walang hanggan. Sa harap ng Diyos ay sumumpa kayo na magsasama sa hirap at ginhawa. Nagsumpaan na mamahalin at aalagaan ang isa't-isa hanggang nabubuhay kayo sa mundong ito. Nangarap kayo ng sabay. Nangarap na hanggang pagtanda niyo kayo pa rin, na may mga anak kayo at masaya kayong nagsasama. Mga pangarap na walang kasing saya.
Lumipas ang mga araw..... Hindi maiiwasang may mga awayang nangyari. Hindi nagtagal, nagkahiwalay kayo. Nagkahiwalay dahil sa mga bagay bagay na hindi niyo pinagkakasunduan. Ito na nga ba ang simula ng pagkasira niyo? Nasayang na ba ang pangakong binitawan niyo sa harap ng Dyos? Natandaan mo pang sinabi niya sa'yo na "Mamahalin kita hanggang wakas. Pangako yan" pero ngayon nagtatanong ka kung ano na ang nangyari sa pangakong yun. Bakit kailangang magwakas agad ang pagmamahalan na minsan mong pinangarap? Bakit kailangang ang dalawang singsing na nagsilbing pag-iisa niyo ay maging isa na lamang? Wala na bang pag-asa?
Nakakalungkot isipin na napunta sa wala yung pangako niyo na sinabi niyo pa sa harap ng Dyos. Nakakalungkot na nasayang yung pinangarap mo na masayang pamilya. Haaaaay........ Nakakalungkot...... Ngayon, ang singsing na iyan na lang ang magpapaalala sa'yo na minsan sa buhay mo may minahal ka pero mananatili na lamang siyang parte ng kasaysayan mo.
Mapanlinlang...
Marami ngang mapanlinlang na tao sa mundong ibabaw ngayon. Isa ka ba sa kanila?
Mahirap magpanggap na masaya ka yun pala sa loob loob mo nasasaktan ka na. Habang naririnig mo siyang sinasabi na may gusto siya dun sa isang babae. Yung tipong nakangiti ka pero...........kung makakapagsalita lang yung puso mo, sasabihin niya sa taong gusto mo "Tama na pwede ba? Nasasaktan na ako ng todo. Kuha mo?!".
Bakit kailangan pa manlinlang ng tao? Bakit hindi mo siya diretsahin na nasasaktan ka na? Oo nga andun na ako sa point mo na gusto mong mahalata niya na nasasaktan ka na pero ang tanong ay PANO? Pano niya malalaman kung bawat sulyap niya sayo ay ngiti ang nakikita niya? PANO? Sabihin mo kung PANO?! Gusto mong malaman niya na nagtatampo ka para lambingin ka niya? Ganun ba? Pano nga niya malalaman kung nalilinlang mo siya sa mga ngiti mo?!
Haaaaaaayyyyyyyy.......... Mapanlinlang kasi ang mga tao............
Oh ano na ngayon? Isa ka ba sa kanila?
MAPANLINLANG!
Guilty as charged, your honor!
Pag-ibig nga naman oh. Nakakaloka lang talaga! May mga bagay lang akong naobserbahan sa mga tao lalo na pag LOVE ang usapan.
1. Kapag galit sa bf/gf, sasabihin "I need time and space". Kapag binigyan naman ng time and space, sasabihin "namimiss ko na sya, di kasi sya nagtetext".
2. Kapag nag-away, hindi daw magtetext dun sa guy/girl pero maya maya lang, magtetext na yan.
3. Kunwari na-wrong send pero ang totoo, sinadya.
4. Buburahin yung number nung guy/girl pero saulado naman.
5. Sasabihing wag na sila magkita pero nagmamaktol naman kapag hindi nga siya pinuntahan.
6. Peace na raw pero maya maya mag-aaway na naman.
7. Okay lang daw pero deep in side, nagagalit na.
8. Inaasar sa iba pero nasasaktan na sya at nagseselos na hanggang sa mag-away.
9. Sasabihin "cheesy" yung bf/gf pero ang totoo kinikilig na ng bonggang bongga.
10. Hindi na daw magseselos at hindi daw possessive pero pag may nagtext kay bf/gf, todo tingin naman at nakikibasa pa!
Mga weird pero for sure na nararanasan ng mga taong nagmamahal. We don't have to pretend... Magpakatotoo ka para maiwasan yung away. Oh ikaw, guilty ka ba? :)
Wednesday, June 1, 2011
Where am I?
Where am I? I am not really sure. It was like am in a box/in a room where you can see nothing but darkness. Yes, am in darkness. Alone and in pain. All I want to do is see some light and get out of this darkness but what can I do? Am too scared to take a step and find ways to escape. All the pains that I kept to myself is making me weak now. How is my relationship with others? With my family, it is fine... Although they're doing everything, I feel like am alone. I can't even open up my problems to my father 'cause of the fear that he will not understand me and reprimand me instead. About my mother, she is really my "wonderwoman". All I wanted is to share some time with them. It's like they're too far from me 'cause they're too busy now. I miss the old days. I miss those ery special moments that I had with them since I was a kid. About my friends? It's kinda shaky. I am now confused. I don't know who are the people that I should call "friends". Sad thing, I feel so alone. Simple wish? To build a stronger relationship with my friends but it seems like there's a wall between us and I can't even do a thing to break it. All I can do is cry.... During the past few months, am dreaming of having back a shoulder I can cry on, a person that I can call "my friend", a friend who's true, a friend who will not talk against you at your back, a friend whom I can share my feelings, a friend who will hold me tighter when s/he feels that am giving up and a friend that will make me realize how lucky I am and how loved I am. Sometimes, life seems to be very unfair and tough. All I want is to have "real" people around me, someone who can understand me and will never try to leave my side especially when I needed him/her most. Sad thing, am afraid to trust people again. I can't even offer someone the kind of thing that I have offered him/her before. Am afraid of many things.... Am afraid of being left behind, afraid of being betrayed, afraid of being alone again, and afraid of getting hurt... So now, where am I?
Subscribe to:
Posts (Atom)