DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Sunday, September 1, 2013

Public welfare? Malaking JOKE sa bansang ito?

Nitong mga nakaraang linggo, nagimbal ang mga mamamayan ng bansa dahil sa sunod sunod na kontrobersya na lumalabas. Una, ang balita tungkol sa pork barrel scam kung saan 10 bilyong piso ang tinatayang ninakaw sa kaban ng bayan. Sinundan naman ito ng balita tungkol sa "Circulo del Mundo". Ang mala-itlog na istruktura malapit sa NAIA 3 na sinasabing nagkakahalaga ng 50 milyong piso. Kamakailan lang din nang marami ang kumwestyon sa halaga ng pagpapalit ng flagpole sa Luneta na tinatayang aabot sa 7.8 milyong piso.

Naiintindihan ko kung bakit marami ang nagagalit kay Napoles dahil napakalaking halaga ang 10 bilyong piso. Oo, marami ng mapapakain na pamilya ang ganitong halaga. Oo, marami ng matutulungang ahensya ang halagang ito partikular na ang Edukasyon (na kulang na kulang ang budget), Kalusugan (na talaga namang dapat pinagtutuunan din ng pansin ng gobyerno) at ang tulong na maaaring ibigay sa mga kababayan natin na maituturing nating "kapos". Marami ang naghahangad na papanagutin ang mga responsableng tao sa pork barrel scam na yan pero makakamit nga ba natin ang minimithing hustisya? Nawa ay maging makatarungan ang hukuman na didinig sa kasong ito. 


(Photo retrieved on September 2, 2013 from the website www.gmanetwork.com)

Ang pangalawang bagay na ito ang talagang kinukwestyon ko. Hindi ko makita kung anong kahalagahan ng istrukturang itinayo malapit sa NAIA 3. Sa aking pananaw, hindi praktikal ang paggastos na ginawa nila sa bagay na ito. Kahit pa sabihin nyong hindi naman "390 milyong piso" ang halaga nito, hindi pa rin makatarungan ang 50 milyong piso. Anong silbi ng Circulo Del Mundo na ito? Gumanda ba ang sistema ng paliparan ng Pilipinas dahil dito? Oo, gusto nating makisabay sa pag-unlad ng ibang bansa pero sana naisip nila na gastusin muna sa MAS TAMANG BAGAY ang 50 milyong piso. Ilang pamilya ang naghihirap sa Pilipinas? Mapapakain na ng 50M ang mga pamilyang ito pero pinili nilang ilagay sa istruktura na hindi ko maintindihan kung anong silbi. 




At ano na naman itong pagpapalit ng flagpole sa Luneta na nagkakahalaga ng 7.8M?! WOW! May ginto ba ang flagpole na yun?! Ang daming dapat gastusan ng bansa na mas mahalagang bagay pero inuuna nila ang mga walang kapararakang bagay. Oo, sige gusto nilang ibalik sa dating taas ang flagpole dahil mula ng masira ito ng bagyo dati ay hindi na naibalik pa. Pero hello naman! Sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon (NA LALONG NAGHIHIRAP), ngayon pa nila naisipang gumastos ng ganon kalaking halaga?! Sirang sira na ba ang flagpole para palitan? Sabi nga "DO NOT FIX WHAT IS NOT BROKEN". Sana naisip nila na mas kailangan ng TAO ang pera na inilalaan nila kung saan-saan. Hindi naman kayo iboboto ng flagpole na yan sa eleksyon. Ang mga tao ang dapat niyo pinapahalagahan dahil sila ang bumoboto sa inyo. Isa pa, kung wala ang boto ng mga taong ito, wala kayo sa posisyon ngayon. Sana dinggin nyo muna ang mga hinaing ng mamamayan ng bansang ito. Tandaan: hindi kayo ibinoto ng mga tao para magpatayo ng 50M na istruktura, 7.8M na flagpole at magnakaw ng 10B o kahit magkano sa kaban ng bayan. 

ARTICLE 2, SECTION 9 OF THE 1987 CONSTITUTION
"The State shall promote a just and dynamic social order that will ensure the prosperity and independence of the nation and FREE THE PEOPLE FROM POVERTY THROUGH POLICIES that provide adequate social services, promote full employment, a rising standard of living, and an IMPROVED QUALITY OF LIFE FOR ALL."

Sana ay maliwanagan ang mga nasa posisyon at maisip nila ang pinaka-purpose nila......  I thought every act of the government should be for the public welfare? Nasaan ang public welfare?! NASAAN?! Isang malaking JOKE na lang ba talaga ang salitang “public welfare” sa bansang ito?

Saturday, May 11, 2013

Balay de la Rama

Are you planning to visit Legazpi City? Looking for a budget-friendly place to stay? With good facilities? With a lovely view? With very friendly staff? Can you really have it all? Fortunately, YES! Balay de la Rama is the place to stay! Like SM "they've got it all for you!". 

Let us start the tour! I'm kinda tired when I arrived from the airport since it's really hot (oh well, it's summer in the Philippines. That's why! haha!) BUT wouldn't you love to sit and relax in this lovely receiving area while waiting for your room to be ready? The ambiance of the place is very relaxing. Unlike in other hotels where the aircon in the receiving area seems to be in "blower/fan mode", Balay de la Rama will offer you a better service (a lot better!). 




After waiting, the room is ready for occupancy! Yehey! I can relax now! When I entered the room, I was surprised! The room is spacious and its set-up is simple yet elegant. Oh come on! I made the right decision in choosing this place! I love it to the point that I just want to stay in my room forever (LOL! I guess that's a little too exaggerated. haha!). The room has this big cabinet where you can place your things. And the aircon? Oh gosh! I love it when I'm freezing every morning! Haha! 



Another thing I like in this room is the mirror placed at the side. I know "vain" people will love this. Right? Come on! We, Filipinos, love to face the mirror and take a "selfie" photo and upload it. Facebook? Instagram? Twitter? Or whatever social network it is. 


I know most of the people who love to travel are more concern with the comfort room (Well, I am that type!). I am not "nag-iinarte" or whatsoever but I just want to have a comfortable stay in a place. So here is their comfort room. Scroll down, sweetie. ;)







So there, that's the room I occupied. BUT the tour is not yet done! You still haven't seen the balcony of the room where I stayed. The balcony may not be that big BUT I assure you that you'll love the view from there. Want to see it? Wait until the end of this blog. This is where I eat my dinner while reflecting on things. (Woooow! Reflecting! LOL!) There was even this night where I had a candlelight dinner (not because I'm a romantic type of person but because there was this brownout which only lasted for 5-10 minutes I guess). Not that bad! You get to have a romantic dinner and bonding with Mother Nature. 





Finally, the highlight of my stay in this lovely place -> 
the view from the balcony of my room
*drum roll* Tadaaaaa! Isn't it lovely? I actually requested for this room since I want to ponder. Whaaaat?! LOL! That moment when all you want to do is relax, think and reflect especially with this kind of view. It's simply...........PRICELESS and PERFECT! 



That awesome feeling every morning while seeing this view made me thank the Lord for giving me another opportunity to see the beauty of his creation. Honestly, this trip taught me how to be independent, not to depend on others and the best realization? That I should not equate happiness with having someone there for me all the time because in the end, you alone will be the one to make your own happiness. Remember, happiness is a choice! Take it from the expert. HAHA! Just kidding! Seriously now, the best is yet to come so enjoy every single day! ;)

Again, Balay de la Rama is a great place to stay. Budget-friendly AND the people here are also really nice. You wouldn't feel alone (even though you're really travelling alone. LOL!). Very affordable rates! I LOVE IT! For more inquiries (rates, check-in, check-out, etc.), you may visit their facebook page. Rest assured that they will respond immediately. ->



Furthermore, they also offer different tours. If you don't have your own itinerary, they can give you one at a very affordable price. Believe me! Indeed, I can say that I am satisfied with their services. 

Thank you, Balay de la Rama!!!
I promise to come back soon...really really soon! ;) 

Thursday, February 28, 2013

A realization from Papa Jack


I am a confessed fan and listener of Papa Jack. Alam mo yung mga tipong tagos sa puso bawat salita na binibitawan nya lalo na kapag nakakarelate ako sa caller nya. Ang nakakatawa pa, minsan kahit hindi naman talaga nangyari sakin, feel na feel ko. Ramdam na ramdam ko bawat sitwasyon ng mga tumatawag sa kanya. Minsan, di ko napapansin na umiiyak na pala ako. Weird lang? Haha! Anyway, sobrang tumatak sa isip ko yung mga sinabi ni Papa Jack sa listener nya ngayong gabi.

"True love is always consistent. Hindi pwedeng mahal ka nya ngayon tapos bukas hindi na."

Totoo nga naman! May mga tao kasi na sinasabing mahal ka nila pero pag may ibang umeksena na, nagbabago na yung sitwasyon. Hindi pwedeng pabagu-bago ang nararamdaman mo sa isang tao kasi kung talagang mahal mo sya, kahit ano pang mangyari at kahit sino pa ang umeksena, mananatiling ganon ang pagmamahal mo sa kanya. Kung hindi consistent, mag-isip isip ka na. 

"True love is always exaggerated. Yung tipong akala mo mamamatay ka kapag nawala sya. Pag mahal mo ang tao, di pwedeng sakto lang. Dapat sobra."

Isa pang totoong bagay. Palagi nating naririnig yan sa mga taong nagmamahal. Yung tipong kapag narinig natin na parang mamamatay sya kapag nawala yung taong mahal nya, ang lagi nating sinasabi "ang OA naman nito". Pero ganon talaga kapag nagmamahal ka ng totoo eh. Hindi totoong pagmamahal yan kapag ok lang sayo na mawala yung taong sinasabi mong "mahal" mo. Kapag nagmahal ka, nandyan na yung pakiramdam na "ito na talaga yun! sya na talaga yung makakasama ko sa byahe ng buhay ko" pero hindi lahat ng byahe ng buhay, maganda ang takbo. May mga byahe na kailangan tumigil dahil wala ng patutunguhan. Masakit kasi hindi natupad yung pangarap natin na makasama yung taong yun habambuhay pero dapat nating ituloy ang byahe kahit mag-isa na lang tayo. Hindi natin alam na baka sa susunod na kanto ng buhay natin, may makikilala natin na muli tayong sasamahan sa byahe natin. Bottomline ng lahat ng 'to, true love do exist. We just have to learn to value it for it may be gone forever. Minsan lang yan darating sa buhay mo kaya wag mong sayangin ang pagkakataon. Kung pakiramdam mo sya na ang "true love" mo, wag mo ng pakawalan. Cherish every moment that you have with that special someone. 

Tuesday, February 26, 2013

My First Run for 2013

COLOR MANILA NITE RUN

I've never tried joining a marathon, fun run or even a fun walk. LOL! I know right! I'm just too lazy and instead of sweating, I prefer staying at home and doing my favorite hobby -> sleeping. Haha! Fortunately, I have a goal for this year and to achieve that, I must indulge myself into the habit of going to the gym or even running so I can lose weight. Surprisingly, I am not that lazy anymore (not all the time actually. LOL). Last February 23, 2013 (Saturday) was my first run for this year and I decided to register under 5k. I am normal enough to start from the basic. However, I am quite doubtful and scared if I'll be able to make it on March 17. Guess what, I registered under 21k! OH NOOOOOO!!! But whatever may happen, I must survive and I know that I can do it. If others can, so must I. Anyway, back to Color Manila Nite Run. I had fun running and saw several celebrities and friends. I also met NEW friends because of this run. However, a part of me is quite disappointed because the kind of run that I am expecting did not happen. Why? The place is too crowded to the point that even if you wanted to run, all you can do is walk. After the run, I received a medal. A BIG MEDAL! I actually felt fulfilled because of that medal. Haha! You can see the photo of the medal below. 


What made my night is the party prepared after the run. The lights, fireworks and the music turned me into a party animal again. LOL! Most (if not all) of the runners are going gaga over the music played by that "macho gwapito DJ" or "yummy DJ". Whaaaaaat?!!!! Haha! 


Moreover, there are booths where the runners can get some freebies. However, there are very looooooong lines so I decided not to try every booth and instead visited just one booth. Though many of the runners are quite disappointed with the flow of the program and because their expectations were not met, I can still say that I had a sweaty but fun-filled run. This is my first step in reaching my goal for this year. I can do this! 

Friday, February 22, 2013

Alam mo yung pakiramdam?


(Photo retrieved on February 22, 2013 from the website http://images.mylot.com/userImages/images/postphotos/2502791.jpg)

I am not feeling well as of now pero kelangan ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Hindi naman ako yung tipo ng tao na magkukwento na lang bigla sa mga tao ng harap-harapan. Mas gumagaan pakiramdam ko kapag nasusulat ko o naeexpress ko yung nararamdaman ko. Minsan kasi, may mga bagay na alam mong hindi maiintindihan ng ibang tao kaya mas mabuti pang dito ko na lang ibuhos lahat. Di ko alam kung dahil lang ba masama pakiramdam ko kaya masyado akong sensitive o dahil sa dami ng nangyayari sa buhay ko. Di ko lang gusto yung nararamdaman ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na parang di ka importante sa taong mahal mo? Ganung ganun yung nararamdaman ko ngayon. Nagsabi naman sya kanina sakin na baka di sya makapagtext kasi nga magiging busy na sya. Ako naman si gaga, nalulungkot ngayon kasi pakiramdam ko di ako importante para di man lang itext kahit simpleng "ingat pauwi". Super effort ba talaga magtext ng ganon kaikling mensahe? Ni simpleng tuldok, wala akong natatanggap. Sabi nga nila "kapag mahal mo talaga ang isang tao, there's no such thing as TOO BUSY. Kung gusto, may paraan pero kung ayaw, maraming dahilan". Buti pa nga yung ibang tao, naaalala akong itext kahit simpleng "ingat". Di bale, naniniwala akong bilog ang mundo. Oh well, ganon talaga. Kelangan ko intindihin ang mga bagay bagay, At isa pa, nagsisimula na akong masanay at dapat na akong masanay para di ko na maramdaman yung ganitong feeling. Nakakabaliw eh! I believe someday, there will be this person who will make me feel that I'm the most important person in his life. Someday.... Nananalig ako dyan! Anyway, alam nyo bang kasalukuyan akong nahihilo kaya magpapahinga na muna ako. Ako'y hihimlay na. Ano daw?! Ang pangit pakinggan eh no? Haha! Good night! 

Thursday, February 21, 2013

Let go! Move on!

"LET GO" , "MOVE ON" 
- dalawang salita na madaling sabihin, mahirap gawin pero kayang gawin


(Photo retrieved on February 22, 2013 from the website http://www.tumblr.com/tagged/let%20go%20and%20let%20god)

Kelan ba talaga dapat mag-let go at magmove on? Kapag nakikita mong nasasaktan ang kaibigan mo o kahit sinong kakilala mo, ang sasabihin agad natin "magmove on ka na! I-let go mo na sya. You deserve someone better". Oh come on! Ang galing natin magsuggest pero subukan natin na lumugar sa kinalalagyan nila. Aminin mo, mahihirapan ka rin! Mahirap mag-let go lalo na kapag naging parte na sya ng sistema at buhay mo. Sa totoo lang, kaya naman nating gawin na mag-let go at magmove on pero madalas kasi tinatatak na natin sa utak natin na mahirap gawin. BALIW! Pano mo nga naman magagawa kung ikaw mismo sa sarili mo ayaw mo subukan?! Oo, mahirap nga pero alangan namang itigil mo yung mundo mo dahil sa kanya. Wag sana natin kalimutan na kapag mahal talaga natin ang isang tao, papalayain natin sila. Kapag bumalik sila, para sa atin talaga sila pero kung di man bumalik, tanggapin natin. Sabi nga "some people are meant to be in our heart but not meant to stay in our life. They are meant to teach us a lesson". 

Pano nga ba magmove on? Ang hirap sagutin pero alam natin sa sarili natin na dapat simulan natin sa pagtanggap na may mga tao na sadyang mawawala sa buhay natin. Di man sila manatili sa buhay natin, dapat magpasalamat tayo kasi nakilala natin sila. Aminin mo man o hindi, may mga bagay kang natutunan dahil sa kanya. Haaaaay... Ang hirap nung tipong paggising mo isang araw, wala na lahat ng kinasanayan mo. Nandyan yung pakiramdam na 'di mo alam paano at saan ka magsisimula. Nakakalungkot no? Pero ganun talaga... We just have to bear with it. Basta lagi mong iisipin, kaya may nawala na tao sa buhay mo kasi may inihanda si Lord na mas "deserving" para sa pagmamahal mo. Wag kang mainip, darating din yan sa tamang panahon, kapag nandyan na ang tamang tao at kapag tama na ang lahat sa paligid mo. Manalig ka! 

Pag-ibig yan, mahirap labanan...

Ang tagal ko na rin pala hindi nakapagpost! Hello, muli akong nagbabalik! Sabi nga "back on track, baby! let's get it on!". Ano daw? LOL! Sa totoo lang, di ko alam bakit ko sinusulat 'to. Siguro dahil marami lang akong narealize sa mga nagdaang araw. While doing this blog, ang bongga ng soundtrip ko -> "Didn't we almost have it all". Nakakaloko lang no? Emoterang palaka ang peg! Lahat naman tayo, nagmahal na ng todo-todo. Aminin mo yan! May mga tao kasi na kapag nagmahal, bigay lahat. Kulang na lang pati laman loob nila ibigay nila para mapakita kung gano nila kamahal yung isang tao. Di ko naman sila masisisi. Sabi ko dati, ang tanga tanga ng mga tao na kahit nasasaktan ng sobra, patuloy pa rin sila. Ang kapal pa ng mukha kong sabihin yun pero ni minsan sa buhay ko, di ko naisip na darating din ako sa ganun punto. Totoo nga ang kasabihan! Kapag tayo na mismo ang nasa ganung sitwasyon, dun lang natin maiisip na "ay oo nga, ganito pala yun, ganito pala ang pakiramdam". Minsan, napaisip din naman ako -> "When is enough, enough?". Parang simpleng tanong lang no? Pero ang hirap sagutin. Pag ba nasasaktan ka na, "enough" na dapat? Game over na ba? Pero syempre, nandyan na naman ang pagtatalo ng puso at isip. Madali sabihin na "utak ang gamitin" pero kapag ikaw na mismo ang nandun sa sitwasyon, di mo na maisip kasi nabubulag ka na sa tinatawag nilang "pagmamahal". Aminin mo yan, marami talaga ang "TANGA" pagdating sa pag-ibig. Pero minsan, ang pinakamahirap na sagutin ay yung tanong na "takot ka ba talaga na mawala sya dahil mahal mo sya o dahil nasanay ka na lang na nandyan sya?". Parang tanong lang yan sa isang movie -> "mahal mo ba ako kaya kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?". Ang gulo no? Ganyan naman ang L-O-V-E eh. Sadyang magulo! Nakakabaliw! Nandun na kasi yung nasanay ka na kaya kapag nawala, pakiramdam mo kulang ka na. Pero minsan, kahit gano mo kamahal ang isang tao, darating at darating ka pa rin sa punto na mapapagod ka. Tandaan mo, tao ka na may pusong napapagod. Di ka robot na walang pakiramdam. Kung mga baterya nga nauubusan din ng laman, ikaw pa kaya na tao? Kailangan din nating mahalin ang sarili natin. Sabi nga unahin mong mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Bawat tao may limitasyon. Yung totoo, alam naman natin kung hanggang saan ang limitasyon natin. Minsan lang talaga nakakalimutan natin yun kasi nabubulag tayo sa mga bagay-bagay. Oh well, yan na yan eh. Pag-ibig yan! Mahirap labanan! Diba? Wag mo na i-deny!