"LET GO" , "MOVE ON"
- dalawang salita na madaling sabihin, mahirap gawin pero kayang gawin
(Photo retrieved on February 22, 2013 from the website http://www.tumblr.com/tagged/let%20go%20and%20let%20god)
Kelan ba talaga dapat mag-let go at magmove on? Kapag nakikita mong nasasaktan ang kaibigan mo o kahit sinong kakilala mo, ang sasabihin agad natin "magmove on ka na! I-let go mo na sya. You deserve someone better". Oh come on! Ang galing natin magsuggest pero subukan natin na lumugar sa kinalalagyan nila. Aminin mo, mahihirapan ka rin! Mahirap mag-let go lalo na kapag naging parte na sya ng sistema at buhay mo. Sa totoo lang, kaya naman nating gawin na mag-let go at magmove on pero madalas kasi tinatatak na natin sa utak natin na mahirap gawin. BALIW! Pano mo nga naman magagawa kung ikaw mismo sa sarili mo ayaw mo subukan?! Oo, mahirap nga pero alangan namang itigil mo yung mundo mo dahil sa kanya. Wag sana natin kalimutan na kapag mahal talaga natin ang isang tao, papalayain natin sila. Kapag bumalik sila, para sa atin talaga sila pero kung di man bumalik, tanggapin natin. Sabi nga "some people are meant to be in our heart but not meant to stay in our life. They are meant to teach us a lesson".
Pano nga ba magmove on? Ang hirap sagutin pero alam natin sa sarili natin na dapat simulan natin sa pagtanggap na may mga tao na sadyang mawawala sa buhay natin. Di man sila manatili sa buhay natin, dapat magpasalamat tayo kasi nakilala natin sila. Aminin mo man o hindi, may mga bagay kang natutunan dahil sa kanya. Haaaaay... Ang hirap nung tipong paggising mo isang araw, wala na lahat ng kinasanayan mo. Nandyan yung pakiramdam na 'di mo alam paano at saan ka magsisimula. Nakakalungkot no? Pero ganun talaga... We just have to bear with it. Basta lagi mong iisipin, kaya may nawala na tao sa buhay mo kasi may inihanda si Lord na mas "deserving" para sa pagmamahal mo. Wag kang mainip, darating din yan sa tamang panahon, kapag nandyan na ang tamang tao at kapag tama na ang lahat sa paligid mo. Manalig ka!
No comments:
Post a Comment