Nitong mga nakaraang linggo, nagimbal
ang mga mamamayan ng bansa dahil sa sunod sunod na kontrobersya na lumalabas.
Una, ang balita tungkol sa pork barrel scam kung saan 10 bilyong piso ang
tinatayang ninakaw sa kaban ng bayan. Sinundan naman ito ng balita tungkol sa
"Circulo del
Mundo". Ang mala-itlog na istruktura malapit sa NAIA 3 na sinasabing
nagkakahalaga ng 50
milyong piso. Kamakailan lang din nang marami ang kumwestyon sa halaga ng
pagpapalit ng flagpole sa Luneta na tinatayang aabot sa 7.8 milyong piso.
Naiintindihan ko kung bakit marami ang
nagagalit kay Napoles dahil napakalaking halaga ang 10 bilyong piso. Oo, marami
ng mapapakain na pamilya ang ganitong halaga. Oo, marami ng matutulungang
ahensya ang halagang ito partikular na ang Edukasyon (na kulang na kulang ang
budget), Kalusugan (na talaga namang dapat pinagtutuunan din ng pansin ng
gobyerno) at ang tulong na maaaring ibigay sa mga kababayan natin na
maituturing nating "kapos". Marami ang naghahangad na papanagutin ang
mga responsableng tao sa pork barrel scam na yan pero makakamit nga ba natin
ang minimithing hustisya? Nawa ay maging makatarungan ang hukuman na didinig sa
kasong ito.
Ang pangalawang bagay na ito ang talagang kinukwestyon
ko. Hindi ko makita kung anong kahalagahan ng istrukturang itinayo malapit sa
NAIA 3. Sa aking pananaw, hindi praktikal ang paggastos na ginawa nila sa bagay
na ito. Kahit pa sabihin nyong hindi naman "390 milyong piso" ang
halaga nito, hindi pa rin makatarungan ang 50 milyong piso. Anong silbi ng Circulo
Del Mundo na ito? Gumanda ba ang sistema ng paliparan ng Pilipinas dahil dito?
Oo, gusto nating makisabay sa pag-unlad ng ibang bansa pero sana naisip nila na
gastusin muna sa MAS TAMANG BAGAY ang 50 milyong piso. Ilang pamilya ang
naghihirap sa Pilipinas? Mapapakain na ng 50M
ang mga pamilyang ito pero pinili nilang ilagay sa istruktura na hindi ko
maintindihan kung anong silbi.
(Photo retrieved on September 2, 2013 from the website http://se.reddit.com/r/Philippines/comments/1l4h8t/flagpole_replacement_at_luneta_is_worth_p78m/)
At ano na naman itong pagpapalit ng
flagpole sa Luneta na nagkakahalaga ng 7.8M?! WOW! May ginto ba ang flagpole na
yun?! Ang daming dapat gastusan ng bansa na mas mahalagang bagay pero inuuna
nila ang mga walang kapararakang bagay. Oo, sige gusto nilang ibalik sa dating
taas ang flagpole dahil mula ng masira ito ng bagyo dati ay hindi na naibalik
pa. Pero hello naman! Sa sitwasyon ng Pilipinas ngayon (NA LALONG NAGHIHIRAP),
ngayon pa nila naisipang gumastos ng ganon kalaking halaga?! Sirang sira na ba
ang flagpole para palitan? Sabi nga "DO NOT FIX WHAT IS NOT BROKEN".
Sana naisip nila na mas kailangan ng TAO ang pera na inilalaan nila kung
saan-saan. Hindi naman kayo iboboto ng flagpole na yan sa eleksyon. Ang mga tao
ang dapat niyo pinapahalagahan dahil sila ang bumoboto sa inyo. Isa pa, kung
wala ang boto ng mga taong ito, wala kayo sa posisyon ngayon. Sana dinggin nyo
muna ang mga hinaing ng mamamayan ng bansang ito. Tandaan: hindi kayo ibinoto
ng mga tao para magpatayo ng 50M na istruktura, 7.8M na flagpole at magnakaw ng
10B o kahit magkano sa kaban ng bayan.
ARTICLE 2, SECTION 9 OF THE 1987 CONSTITUTION
"The State
shall promote a just and dynamic social order that will ensure the prosperity
and independence of the nation and FREE THE PEOPLE FROM POVERTY THROUGH
POLICIES that provide adequate social services, promote full employment, a
rising standard of living, and an IMPROVED QUALITY OF LIFE FOR ALL."
Sana ay maliwanagan ang
mga nasa posisyon at maisip nila ang pinaka-purpose nila...... I thought every act of the government
should be for the public welfare? Nasaan ang public welfare?! NASAAN?! Isang
malaking JOKE na lang ba talaga ang salitang “public welfare” sa bansang ito?
No comments:
Post a Comment