DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Thursday, February 21, 2013

Pag-ibig yan, mahirap labanan...

Ang tagal ko na rin pala hindi nakapagpost! Hello, muli akong nagbabalik! Sabi nga "back on track, baby! let's get it on!". Ano daw? LOL! Sa totoo lang, di ko alam bakit ko sinusulat 'to. Siguro dahil marami lang akong narealize sa mga nagdaang araw. While doing this blog, ang bongga ng soundtrip ko -> "Didn't we almost have it all". Nakakaloko lang no? Emoterang palaka ang peg! Lahat naman tayo, nagmahal na ng todo-todo. Aminin mo yan! May mga tao kasi na kapag nagmahal, bigay lahat. Kulang na lang pati laman loob nila ibigay nila para mapakita kung gano nila kamahal yung isang tao. Di ko naman sila masisisi. Sabi ko dati, ang tanga tanga ng mga tao na kahit nasasaktan ng sobra, patuloy pa rin sila. Ang kapal pa ng mukha kong sabihin yun pero ni minsan sa buhay ko, di ko naisip na darating din ako sa ganun punto. Totoo nga ang kasabihan! Kapag tayo na mismo ang nasa ganung sitwasyon, dun lang natin maiisip na "ay oo nga, ganito pala yun, ganito pala ang pakiramdam". Minsan, napaisip din naman ako -> "When is enough, enough?". Parang simpleng tanong lang no? Pero ang hirap sagutin. Pag ba nasasaktan ka na, "enough" na dapat? Game over na ba? Pero syempre, nandyan na naman ang pagtatalo ng puso at isip. Madali sabihin na "utak ang gamitin" pero kapag ikaw na mismo ang nandun sa sitwasyon, di mo na maisip kasi nabubulag ka na sa tinatawag nilang "pagmamahal". Aminin mo yan, marami talaga ang "TANGA" pagdating sa pag-ibig. Pero minsan, ang pinakamahirap na sagutin ay yung tanong na "takot ka ba talaga na mawala sya dahil mahal mo sya o dahil nasanay ka na lang na nandyan sya?". Parang tanong lang yan sa isang movie -> "mahal mo ba ako kaya kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?". Ang gulo no? Ganyan naman ang L-O-V-E eh. Sadyang magulo! Nakakabaliw! Nandun na kasi yung nasanay ka na kaya kapag nawala, pakiramdam mo kulang ka na. Pero minsan, kahit gano mo kamahal ang isang tao, darating at darating ka pa rin sa punto na mapapagod ka. Tandaan mo, tao ka na may pusong napapagod. Di ka robot na walang pakiramdam. Kung mga baterya nga nauubusan din ng laman, ikaw pa kaya na tao? Kailangan din nating mahalin ang sarili natin. Sabi nga unahin mong mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Bawat tao may limitasyon. Yung totoo, alam naman natin kung hanggang saan ang limitasyon natin. Minsan lang talaga nakakalimutan natin yun kasi nabubulag tayo sa mga bagay-bagay. Oh well, yan na yan eh. Pag-ibig yan! Mahirap labanan! Diba? Wag mo na i-deny!

No comments:

Post a Comment