DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Thursday, February 28, 2013

A realization from Papa Jack


I am a confessed fan and listener of Papa Jack. Alam mo yung mga tipong tagos sa puso bawat salita na binibitawan nya lalo na kapag nakakarelate ako sa caller nya. Ang nakakatawa pa, minsan kahit hindi naman talaga nangyari sakin, feel na feel ko. Ramdam na ramdam ko bawat sitwasyon ng mga tumatawag sa kanya. Minsan, di ko napapansin na umiiyak na pala ako. Weird lang? Haha! Anyway, sobrang tumatak sa isip ko yung mga sinabi ni Papa Jack sa listener nya ngayong gabi.

"True love is always consistent. Hindi pwedeng mahal ka nya ngayon tapos bukas hindi na."

Totoo nga naman! May mga tao kasi na sinasabing mahal ka nila pero pag may ibang umeksena na, nagbabago na yung sitwasyon. Hindi pwedeng pabagu-bago ang nararamdaman mo sa isang tao kasi kung talagang mahal mo sya, kahit ano pang mangyari at kahit sino pa ang umeksena, mananatiling ganon ang pagmamahal mo sa kanya. Kung hindi consistent, mag-isip isip ka na. 

"True love is always exaggerated. Yung tipong akala mo mamamatay ka kapag nawala sya. Pag mahal mo ang tao, di pwedeng sakto lang. Dapat sobra."

Isa pang totoong bagay. Palagi nating naririnig yan sa mga taong nagmamahal. Yung tipong kapag narinig natin na parang mamamatay sya kapag nawala yung taong mahal nya, ang lagi nating sinasabi "ang OA naman nito". Pero ganon talaga kapag nagmamahal ka ng totoo eh. Hindi totoong pagmamahal yan kapag ok lang sayo na mawala yung taong sinasabi mong "mahal" mo. Kapag nagmahal ka, nandyan na yung pakiramdam na "ito na talaga yun! sya na talaga yung makakasama ko sa byahe ng buhay ko" pero hindi lahat ng byahe ng buhay, maganda ang takbo. May mga byahe na kailangan tumigil dahil wala ng patutunguhan. Masakit kasi hindi natupad yung pangarap natin na makasama yung taong yun habambuhay pero dapat nating ituloy ang byahe kahit mag-isa na lang tayo. Hindi natin alam na baka sa susunod na kanto ng buhay natin, may makikilala natin na muli tayong sasamahan sa byahe natin. Bottomline ng lahat ng 'to, true love do exist. We just have to learn to value it for it may be gone forever. Minsan lang yan darating sa buhay mo kaya wag mong sayangin ang pagkakataon. Kung pakiramdam mo sya na ang "true love" mo, wag mo ng pakawalan. Cherish every moment that you have with that special someone. 

Tuesday, February 26, 2013

My First Run for 2013

COLOR MANILA NITE RUN

I've never tried joining a marathon, fun run or even a fun walk. LOL! I know right! I'm just too lazy and instead of sweating, I prefer staying at home and doing my favorite hobby -> sleeping. Haha! Fortunately, I have a goal for this year and to achieve that, I must indulge myself into the habit of going to the gym or even running so I can lose weight. Surprisingly, I am not that lazy anymore (not all the time actually. LOL). Last February 23, 2013 (Saturday) was my first run for this year and I decided to register under 5k. I am normal enough to start from the basic. However, I am quite doubtful and scared if I'll be able to make it on March 17. Guess what, I registered under 21k! OH NOOOOOO!!! But whatever may happen, I must survive and I know that I can do it. If others can, so must I. Anyway, back to Color Manila Nite Run. I had fun running and saw several celebrities and friends. I also met NEW friends because of this run. However, a part of me is quite disappointed because the kind of run that I am expecting did not happen. Why? The place is too crowded to the point that even if you wanted to run, all you can do is walk. After the run, I received a medal. A BIG MEDAL! I actually felt fulfilled because of that medal. Haha! You can see the photo of the medal below. 


What made my night is the party prepared after the run. The lights, fireworks and the music turned me into a party animal again. LOL! Most (if not all) of the runners are going gaga over the music played by that "macho gwapito DJ" or "yummy DJ". Whaaaaaat?!!!! Haha! 


Moreover, there are booths where the runners can get some freebies. However, there are very looooooong lines so I decided not to try every booth and instead visited just one booth. Though many of the runners are quite disappointed with the flow of the program and because their expectations were not met, I can still say that I had a sweaty but fun-filled run. This is my first step in reaching my goal for this year. I can do this! 

Friday, February 22, 2013

Alam mo yung pakiramdam?


(Photo retrieved on February 22, 2013 from the website http://images.mylot.com/userImages/images/postphotos/2502791.jpg)

I am not feeling well as of now pero kelangan ko lang ilabas yung nararamdaman ko. Hindi naman ako yung tipo ng tao na magkukwento na lang bigla sa mga tao ng harap-harapan. Mas gumagaan pakiramdam ko kapag nasusulat ko o naeexpress ko yung nararamdaman ko. Minsan kasi, may mga bagay na alam mong hindi maiintindihan ng ibang tao kaya mas mabuti pang dito ko na lang ibuhos lahat. Di ko alam kung dahil lang ba masama pakiramdam ko kaya masyado akong sensitive o dahil sa dami ng nangyayari sa buhay ko. Di ko lang gusto yung nararamdaman ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na parang di ka importante sa taong mahal mo? Ganung ganun yung nararamdaman ko ngayon. Nagsabi naman sya kanina sakin na baka di sya makapagtext kasi nga magiging busy na sya. Ako naman si gaga, nalulungkot ngayon kasi pakiramdam ko di ako importante para di man lang itext kahit simpleng "ingat pauwi". Super effort ba talaga magtext ng ganon kaikling mensahe? Ni simpleng tuldok, wala akong natatanggap. Sabi nga nila "kapag mahal mo talaga ang isang tao, there's no such thing as TOO BUSY. Kung gusto, may paraan pero kung ayaw, maraming dahilan". Buti pa nga yung ibang tao, naaalala akong itext kahit simpleng "ingat". Di bale, naniniwala akong bilog ang mundo. Oh well, ganon talaga. Kelangan ko intindihin ang mga bagay bagay, At isa pa, nagsisimula na akong masanay at dapat na akong masanay para di ko na maramdaman yung ganitong feeling. Nakakabaliw eh! I believe someday, there will be this person who will make me feel that I'm the most important person in his life. Someday.... Nananalig ako dyan! Anyway, alam nyo bang kasalukuyan akong nahihilo kaya magpapahinga na muna ako. Ako'y hihimlay na. Ano daw?! Ang pangit pakinggan eh no? Haha! Good night! 

Thursday, February 21, 2013

Let go! Move on!

"LET GO" , "MOVE ON" 
- dalawang salita na madaling sabihin, mahirap gawin pero kayang gawin


(Photo retrieved on February 22, 2013 from the website http://www.tumblr.com/tagged/let%20go%20and%20let%20god)

Kelan ba talaga dapat mag-let go at magmove on? Kapag nakikita mong nasasaktan ang kaibigan mo o kahit sinong kakilala mo, ang sasabihin agad natin "magmove on ka na! I-let go mo na sya. You deserve someone better". Oh come on! Ang galing natin magsuggest pero subukan natin na lumugar sa kinalalagyan nila. Aminin mo, mahihirapan ka rin! Mahirap mag-let go lalo na kapag naging parte na sya ng sistema at buhay mo. Sa totoo lang, kaya naman nating gawin na mag-let go at magmove on pero madalas kasi tinatatak na natin sa utak natin na mahirap gawin. BALIW! Pano mo nga naman magagawa kung ikaw mismo sa sarili mo ayaw mo subukan?! Oo, mahirap nga pero alangan namang itigil mo yung mundo mo dahil sa kanya. Wag sana natin kalimutan na kapag mahal talaga natin ang isang tao, papalayain natin sila. Kapag bumalik sila, para sa atin talaga sila pero kung di man bumalik, tanggapin natin. Sabi nga "some people are meant to be in our heart but not meant to stay in our life. They are meant to teach us a lesson". 

Pano nga ba magmove on? Ang hirap sagutin pero alam natin sa sarili natin na dapat simulan natin sa pagtanggap na may mga tao na sadyang mawawala sa buhay natin. Di man sila manatili sa buhay natin, dapat magpasalamat tayo kasi nakilala natin sila. Aminin mo man o hindi, may mga bagay kang natutunan dahil sa kanya. Haaaaay... Ang hirap nung tipong paggising mo isang araw, wala na lahat ng kinasanayan mo. Nandyan yung pakiramdam na 'di mo alam paano at saan ka magsisimula. Nakakalungkot no? Pero ganun talaga... We just have to bear with it. Basta lagi mong iisipin, kaya may nawala na tao sa buhay mo kasi may inihanda si Lord na mas "deserving" para sa pagmamahal mo. Wag kang mainip, darating din yan sa tamang panahon, kapag nandyan na ang tamang tao at kapag tama na ang lahat sa paligid mo. Manalig ka! 

Pag-ibig yan, mahirap labanan...

Ang tagal ko na rin pala hindi nakapagpost! Hello, muli akong nagbabalik! Sabi nga "back on track, baby! let's get it on!". Ano daw? LOL! Sa totoo lang, di ko alam bakit ko sinusulat 'to. Siguro dahil marami lang akong narealize sa mga nagdaang araw. While doing this blog, ang bongga ng soundtrip ko -> "Didn't we almost have it all". Nakakaloko lang no? Emoterang palaka ang peg! Lahat naman tayo, nagmahal na ng todo-todo. Aminin mo yan! May mga tao kasi na kapag nagmahal, bigay lahat. Kulang na lang pati laman loob nila ibigay nila para mapakita kung gano nila kamahal yung isang tao. Di ko naman sila masisisi. Sabi ko dati, ang tanga tanga ng mga tao na kahit nasasaktan ng sobra, patuloy pa rin sila. Ang kapal pa ng mukha kong sabihin yun pero ni minsan sa buhay ko, di ko naisip na darating din ako sa ganun punto. Totoo nga ang kasabihan! Kapag tayo na mismo ang nasa ganung sitwasyon, dun lang natin maiisip na "ay oo nga, ganito pala yun, ganito pala ang pakiramdam". Minsan, napaisip din naman ako -> "When is enough, enough?". Parang simpleng tanong lang no? Pero ang hirap sagutin. Pag ba nasasaktan ka na, "enough" na dapat? Game over na ba? Pero syempre, nandyan na naman ang pagtatalo ng puso at isip. Madali sabihin na "utak ang gamitin" pero kapag ikaw na mismo ang nandun sa sitwasyon, di mo na maisip kasi nabubulag ka na sa tinatawag nilang "pagmamahal". Aminin mo yan, marami talaga ang "TANGA" pagdating sa pag-ibig. Pero minsan, ang pinakamahirap na sagutin ay yung tanong na "takot ka ba talaga na mawala sya dahil mahal mo sya o dahil nasanay ka na lang na nandyan sya?". Parang tanong lang yan sa isang movie -> "mahal mo ba ako kaya kailangan mo ako o kailangan mo ako kaya mahal mo ako?". Ang gulo no? Ganyan naman ang L-O-V-E eh. Sadyang magulo! Nakakabaliw! Nandun na kasi yung nasanay ka na kaya kapag nawala, pakiramdam mo kulang ka na. Pero minsan, kahit gano mo kamahal ang isang tao, darating at darating ka pa rin sa punto na mapapagod ka. Tandaan mo, tao ka na may pusong napapagod. Di ka robot na walang pakiramdam. Kung mga baterya nga nauubusan din ng laman, ikaw pa kaya na tao? Kailangan din nating mahalin ang sarili natin. Sabi nga unahin mong mahalin ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Bawat tao may limitasyon. Yung totoo, alam naman natin kung hanggang saan ang limitasyon natin. Minsan lang talaga nakakalimutan natin yun kasi nabubulag tayo sa mga bagay-bagay. Oh well, yan na yan eh. Pag-ibig yan! Mahirap labanan! Diba? Wag mo na i-deny!