Sawa ka na ba sa mga crowded na island? May pantapat kami dyan. Hindi pa sya ganon kacommercialized, tahimik, very budget friendly at higit sa lahat, maganda ang tanawin! So ano na? LABAN! MARIKABAN! Simulan natin ang dudayventure ko sa Marikaban.
Dahil nagbabakasyon sa Manila yung friend ko from GenSan, me and my friends decided to unwind. Nung una, target namin ang Isla Verde kaso masyadong hassle kung overnight lang kami (yun lang kasi ang free time namin) kaya nagdecide kami na mag-Masasa Beach. Yun nga lang, sa dami ng tinext ko, lahat sila fully booked na kaya ang ending, sinubukan ko yung isa pang island sa Batangas din. At yun ay ang Marikaban/Maricaban!
Maaga kaming dumating sa Buendia para sumakay sa bus (JAM Liner) na byaheng pa-Batangas Grand Terminal (157 pesos/way). Pagdating sa terminal, sumakay kami ng jeep na byaheng pa-Anilao Port (40 pesos/way). Dumating kami sa port ng mga 9am at ANG DAMING TAO! You need to pay 30 pesos for the environmental fee at para malaman kung pang-ilang bangka ka sasakay. May talipapa rin sila dun kung san kayo pwede mamili ng mga gusto nyong iluto at kainin sa isla. Sa dami ng tao, yung mga bagka na byaheng pa-Marikaban, nagbyahe na rin tuloy na pa-Tingloy dahil mataas ang demand ng rutang yun. 1pm na kami nakasakay ng pa-Marikaban kaya ilang oras namin inenjoy ang view ng Anilao Port na may malinaw din na tubig. I swear, kung hindi dumating yung bangka, pwede na ako maligo dun mismo sa sobrang linaw at ganda rin ng tubig. Hahaha! Pagkasakay sa bangka, 45 minutes ang byahe bago makarating sa Marikaban (80 pesos/way).
So ayun, dumating na kami sa wakas sa Marikaban! Yay! Evica Marie ang pangalan ng bangka na nagbibyahe pa-Marikaban. Pagbaba namin, sinalubong na kami ng contact namin sa isla. Naglakad kami ng mga 10 minutes bago makarating sa bahay na tutuluyan namin. Ang lakas makaprobinsyang bongga ng paligid! At ang ganda ng view. Scroll down to see it.
Oo, dyan sa bintana na yan ako laging nakatambay dahil na-love at first sight ako sa tanawin sa labas. Yung tipong kahit pagod ka dahil sa nilakad mo (na parang naghiking ka), pag nakita mo ito, mawawala bigla yung pagod mo at mapapangiti ka na lang. Dahil after lunch na kami nakarating sa island, nag-ihaw na agad para sa late lunch at early dinner namin. Yun nga lang, walang ihawan. Buti na lang very resourceful sila kuya at ate. Wait until you see it below. Taaaadaaaaaa! Ang cute diba? Instead of disposing an old electric fan, why not use it to grill?
Dahil late na rin naman, we decided to just rest and explore the island a little bit. In all fairness sa lugar, kahit limited ang supply ng kuryente (12pm-12am lang) at di ka gumamit ng electric fan, ayos lang dahil malamig ang simoy ng hangin. Maaga kami natulog dahil mahaba pa ang araw namin kinabukasan.
Day 2! Yaaaaay! We started the day with a cup of coffee prepared by Ate Lisa. Perfect sya sa malamig na umaga tapos nakatingin ka lang sa tanawin sa labas ng bintana ng bahay. Kailangan magkaroon ng energy dahil island hopping day namin ang day 2 (na wala naman talaga sa plano namin).
Island hopping day ng mga beshiecakes! Dahil maaga pa (8am), lowtide pa at ganito ang hitsura ng island kapag lowtide. No worries, maganda pa rin naman pero nakakalungkot lang kasi makikita mo na may mga irresponsible tourists talaga na nag-iiwan ng basura sa dagat. Please guys, kapag nagtatravel kayo, be responsible enough.
Excited na ba kayo sa island hopping? Tara na! Sa halagang 1,500 pesos, makakapunta ka sa apat na isla: Masasa Beach, Sumbrero Island, Sepoc Island, at Apat na Lagusan. Pwede ka magsabi sa guide nyo na tumigil muna kung gusto mo maglangoy. Ikaw ang bahala sa oras mo. Wala namang limit yung oras na binigay sa amin. Last stop yung sa beach ng Marikaban. Una kaming pumunta sa Masasa Beach at ang daming tao (lalo na pag weekend). Di mo na maeenjoy yung paglalangoy dahil sa dami ng naglalangoy. Di na kami bumaba sa Masasa dahil wala na rin namang magandang spot na paglanguyan dahil maraming tao. Dumiretso na kami sa Sumbrero Island.
(SUMBRERO ISLAND)
Pagkatapos ng Sumbrero Island, diretso na kami sa Sepoc Island. Pwede rin kayo bumaba dito at ienjoy yung beach nila. Ang linaw ng tubig, Promise!
(SEPOC ISLAND)
At ang pinakamatao na destinasyon ng island hopping -> Apat na Lagusan! Konting trivia lang! Sa Apat na Lagusan pala ang location ng shooting ng teleseryeng "Marina". Isa yun sa mga dahilan kung bakit dinadayo yung lugar. Pero bukod dun, maganda talaga yung lugar at sobrang linaw ng tubig. Medyo matulis nga lang talaga yung mga bato kaya dapat ihanda nyo na yung aqua shoes nyo (Yes! It's a must kung ayaw nyo masugatan!).
(APAT NA LAGUSAN)
At ang pinakahuling destinasyon bago kami bumalik sa bahay at magbihis para makauwi na, Marikaban Island! May mga bato din dito pero may area na puro buhangin lang. Dito ako nag-enjoy talaga maglangoy pero dito din ako nasugatan. Hahaha! Masusugatan pero hindi aayaw! ANO DAW?!
Pero syempre hindi makukumpleto ang blog ko kapag wala ang number 1 na paborito ko kapag nagtatravel, SUNSET!!!!!!!!! I must say na isa ang lugar na ito sa may pinakamagandang sunset na nakita ko sa lahat ng lugar na napuntahan ko. Yung eksenang nakangiti lang ako habang lumulubog ang araw. Indeed, sunsets are proof that endings can be beautiful too.
Ayan na nga ang naging dudayventure ko sa Marikaban. Budget friendly pero worth it talaga. Basta ihanda mo ang sarili mo sa lakaran (bawal tamad). Kung sawa ka na sa crowded na beach, ito ang para sa'yo. Hindi mo kailangan makipag-agawan at makakapag-unwind ka talaga dito. Gusto mo malaman gano ka-budget friendly? See breakdown of expenses below.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
BREAKDOWN OF EXPENSES:
Bus fare (Buendia to Batangas Grand Terminal) = 157 pesos x 2 = 314 pesos
Jeep fare (Batangas Grand Terminal to Anilao Port) = 40 pesos x 2 = 80 pesos
Environmental Fee = 30 pesos
Boat fare = 80 pesos x 2 = 160 pesos
Accommodation (per pax) = 300 pesos
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
TOTAL: 884 pesos
Sulit na diba? For Marikaban accommodation, you may contact KUYA RUSSEL (09753732465). Kayo na rin bahala makipag-usap tungkol sa presyuhan ng island hopping. Tip nga pala, medyo mahina ang signal ng internet. And again, don't forget your aqua shoes dahil medyo matulis mga bato. So ano pang hinihintay nyo? Gora na!
Sana makarating din ako dyan someday. Anyway, wherever you go, don't forget to bring first aid kit and anti-diarhea, antiemetic, antacid, antipyretic, and muscle relaxant medications. Dala din ng sun block, off lotion at katol! Botica lang ang peg, hehehe!!!
ReplyDeleteMagdadala po kami ng watsons. Hahaha!
ReplyDelete