DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Sunday, December 10, 2017

Masasa Beach

Hiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!! It's been a while! Masyadong naging busy ang loley nyo. And now, it's time to post again another #DUDAYVENTURES! Yes! May pa-hashtag si mayora! LOL! This December 5-6, I decided to unwind in a not so far away island. FYI, budget friendly lang lagi ang target ko kaya ito pinili ko. Promise, abot kaya lang talaga pero ang view naman, WOW talaga! Dun ko narealize na ang dami pala talagang magandang tanawin sa Pilipinas. Yun lang sapat na para mapangiti ako. Start na natin ang tour? 

I decided to visit Masasa Beach in Batangas. Super budget friendly talaga sya at malayo sa maingay at magulong syudad. Magsimula tayo sa Buendia kung saan ako sumakay. Sumakay ako ng JAM Liner papuntang Batangas Grand Terminal (Php 157.00) tapos mula Grand Terminal, may mga jeep na pa-Anilao Port (Php 37.00). Para sa mga wala pang dalang pagkain, pwede kayo bumili dun dahil may talipapa naman dun, may kainan na rin ng lunch dun pero mas advisable na magbaon kayo ng pagkain kung gusto nyo talaga makatipid. Pagdating ng Anilao Port, magreregister kayo at magbabayad ng Php 30.00 para sa environmental fee. Itanong nyo kung may byahe pa na diretso Masasa Beach (kung meron, swerte nyo at i-push nyo na agad). Ang last trip nila ay 2pm. Swerte na nakaabot ako sa bangka na byaheng diretso Masasa Beach (Crown Jerus and name ng bangka). Ang pamasahe ay Php 100.00 kaya wag ka na mag-inarte dahil less hassle naman na yun. Halos isang oras ang byahe at ibababa ka na sa Masasa na mismo. 

Saan matutulog? Pwede ka magdala ng tent para tipid talaga or pwede ka magstay sa mga bahay bahay dun, marami namang nag-ooffer dun ng matutulugan. Murang mura lang naman bes ang overnight rate dun. Nasa Php 300.00 lang kada tao. Sulit na diba? Kung gusto mo ng may magandang view, ang marerecommend ko ay yung kay Ate Fhe! May duyan pa dun sa kanila at paggising mo, kitang kita mo agad ang dagat. Nakakarelax din kasi hampas ng alon ang maririnig mo bago ka matulog. Libre gamit sa mga pinggan, baso, lutuan dun kay Ate Fhe basta siguraduhin na ayusin kada tapos gamitin. Libre na nga lang bes diba kaya konting hiya naman, ligpitan nyo na yung mga ginamit nyo at ibalik sa pinagkuhanan. Kung cr naman hanap mo, meron din dun kay Ate Fhe at walang bayad. Sa iba kasi babayad ka ng Php 10.00. At isa pa, kung kay Ate Fhe kayo magstay, may bangka na susundo sa inyo pagkababa nyo dun sa pinakaport ng Masasa. Medyo malayo kasi dun sa bababaan yung kila Ate Fhe dahil malapit sila sa Lagoon (Oo, di mo na kelangan magbayad para makapunta sa lagoon. Panalo diba?). Eto ang view pag papunta kila Ate Fhe at kapag andun ka na mismo.




Galing kila Ate Fhe, walking distance lang ang lagoon kaya wag kang ano dyan. Lakad lakad lang ng mga 5-10 minutes at nasa lagoon ka na. Pag papunta ka dun, feeling mo nasa Ilocos ka lang dahil sa mga Rock Formations. Scroll down to see their famous lagoon (kasama ito sa package kapag nag-island hopping ka). Bakit ka pa mag-island hopping kung pwede naman lakarin na lang diba? 1500 pesos din yung island hopping. Nakatipid ka na diba!




Dyan ko din nasubukan ang Art of Balancing. Haha! Nag-enjoy naman ako. Akala ko madali lang yung ginagawa nila sa mga bato, mahirap din pala i-balance. Nakakaloka! Anyway, from Ate Fhe, pwede kayong maglakad lakad para makarating sa beach proper kung san pwede kayo magpakabutanding at maglangoy hanggang sa magsawa kayo. Sobrang linaw ng tubig nila. Promise! Ayaw mo maniwala, tingnan mo na lang yung photos sa baba.




Syempre hindi mawawala ang pinakapaborito ko kapag nagtatravel ---> SUNSET! Yes, I'm a confessed Sunset lover and forever will be. Let me share with you my forever love.





BREAKDOWN OF EXPENSES:

Bus fare (Buendia to Batangas Grand Terminal) = 157.00 x 2 (roundtrip)
Jeep fare (Grand Terminal to Anilao Port) = 37.00 x 2 (roundtrip)
Environmental Fee = 30.00
Bangka Fare = 100.00 x 2 (roundtrip)
------------------------------------------------------------------------------------------------------
TOTAL: 618.00 pesos

Kung gusto nyo naman ng murang matutuluyan, solid talaga kay Ate Fhe, sobrang bait pa! Here's her contact number ---> 09357385701. Mura din sa kanila ang snorkeling, Php 100.00 lang! Nung nagsnorkeling kami, nakakita kami ng napakalaking sea turtle. Ang cool lang. For sure hahanapan kayo ng bangkero nyo ng magandang view at kapag sinwerte, dun kayo sa kung nasan yung sea turtle. Enjoy! Go na sa Masasa Beach habang di pa crowded!