Hi! I'M BACK! It's been a while since the last time that I posted something here. Pasensya na mga bes, naging busy ang lola nyo. I just became preoccupied with school and everything and now that I am back, I will be posting my travel blogs again. Oo bes, magbabalik loob na ako sa pagtatravel. Matagal tagal ko din hindi nagawa magtravel mag-isa at makisama sa mga groups na nagtatravel. Pero hindi talaga yan ang pakay ng post ko na ito. Gusto ko lang muna ibuhos sa blog na ito yung nararamdaman ko. Tungkol ito sa sariwang sariwang pinagdadaanan ko -> BREAKUP. Ang sakit bes! Oo, break na kami. At dahil sa pangyayaring ito, may mga natutunan ako tungkol sa pag-ibig kaya makinig ka para di mo danasin yung naranasan ko kasi talagang manlulumo ka sa sobrang sakit.
(Photo grabbed from https://www.google.com.ph/search?q=heart+love&espv=2&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj-74Lf1YnTAhUEhbwKHVRXAdIQ_AUIBigB&biw=1366&bih=662#imgrc=LMssTOMkK2XJxM:)
1. KAPAG NAG-AWAY KAYO, WAG MO HAHAYAANG MATAPOS ANG GABI NA HINDI KAYO NAG-UUSAP AT NAGKAKAAYOS
- Hindi naman perpekto ang isang relasyon. May mga araw at pagkakataon na talagang mag-aaway at magkakatampuhan kayo, simple man yan o malaking bagay. Pero ang mahalaga dun, pag-usapan nyo at wag nyo hayaan na matapos ang gabi nyo na hindi kayo nagkakaayos. Mahirap kasi at masakit sa puso. Masyadong mabigat sa pakiramdam yun bes. At syempre kapag pinalipas nyo ang araw na hindi kayo okay, meron at merong makakaisip sa inyo na siguro hindi sya ganon kaimportante dahil natitiis sya ng partner nya. At bes, wag na wag mo papaabutin ng ilang araw dahil habang nagpapalamig ka ng ulo, hindi mo namamalayan na nilalayo mo na pala yung mahal mo sayo. Make him/her feel important. Kung kaya naman pag-usapan, ayusin nyo na agad. Wag kayong pabebe!
2. MATUTO KANG IBABA ANG PRIDE MO
- Sa totoo lang, ako yung tipo na gusto ko ako ang laging sinusuyo dahil ang katwiran ko ako ang babae kaya ako dapat ang sinusuyo. PERO MALI YUN BES! Natutunan ko sa kakatapos ko lang na relasyon na hindi porke babae ka, ikaw na ang dapat sinusuyo. May pakiramdam din yang partner mo at gusto rin nila na maramdaman na importante sila at kasuyo-suyo. Minsan, kahit yung isa ang nagsimula ng away o tampuhan nyo, kelangan mo rin ibaba yung pride mo. Maniwala ka sakin, kapag mahal mo, magagawa mo talaga yan. Wala kasi mangyayaring mabuti kung magsasalubong ang galit nyo. Dapat may isang magpapakumbaba sa inyo para kumalma ang sitwasyon. Hindi sya madali bes, promise! Pero nagawa kong ibaba ang pride ko dahil mahal ko. Kelangan mo lang lambingin dahil minsan nagkakaproblema lang naman kapag di kayo nagkakaintindihan. Yung akala mo kung ano na pinuputok ng butchi nya, yun pala nagpapalambing lang. Tandaan: Mahirap talaga lunukin ang pride.....lalo na kung bareta. Charot! Pero seryoso, hindi madali na kainin mo ang pride mo para sa isang tao pero marirealize mo din na sa oras na kinaya mo, naggrow ka na dahil sa pagmamahal na yun. Yung tipong maiintindihan mo na mas mahalaga pa rin yung pagmamahal mo para sa taong yun kaysa sa pride. Aanhin mo ang pride mo kung dahil dun mawawala sya sayo.
3. MAGING TOTOO KAYO SA ISA'T ISA
- Dito na tayo magkakatalo-talo. Sa isang relasyon, importante na maging totoo kayo sa isa't isa. No secrets, No lies! Kasi kung di naman magsasabi ng totoo, ano pang point na nasa relasyon kayo? Importante yan bes kasi dyan nabubuo yung tiwala ng partner mo sayo. Mahirap magtiwala sa isang tao kahit partner mo pa dahil nga nandyan yung takot sa puso mo na baka lokohin ka, baka saktan ka lang. Normal yang pakiramdam na yan pero darating ka sa punto na magsisimula kang magtiwala sa kanya. Please lang, kapag nagtiwala na sa inyo partner nyo, wag na wag nyo sirain dahil mahirap ibalik yun. Dama kita bes! Minsan na ako nagtiwala pero mula ng masira yun, hirap na hirap ako ibalik. Sinusubukan ko ibalik pero kapag magsisimula na naman akong magtiwala, nasisira na naman. Yung mga simpleng pagsasabi sa partner mo kung nasan ka talaga kapag tinatanong ka nya, mahalaga yan dahil kaya yan nagtatanong dahil nararamdaman nyang may mali. Kaya kapag nalaman nyang nagsinungaling ka sa kanya sa kahit ganon kasimpleng bagay, mabubuo yung tanong na "sa ganyan kaliit at kasimpleng bagay, di na nya magawang magsabi ng totoo, pano pa kaya kapag malalaking bagay na?". At pwede ba tantanan ako sa rason na "alam ko kasi magagalit ka sakin kaya di ko na sinabi". Bes, tandaan mo pagbuo ng tiwala ang pinag-uusapan dito. Maging honest ka para pagkatiwalaan ka nya. Oo, magagalit yung partner mo pero eventually, marirealize nya na mas okay na yung naging honest ka kaysa naman di nga sya nagalit pero di ka naman pala nagsabi ng totoo. Akala nyo maliit na bagay lang yun? Siguro sa tingin nyo, pero sobrang sakit nun sa puso lalo na kapag nalaman ng partner mo yung totoo.
4. KAPAG AYAW NA NYA, BITAW NA
- Araaaaaay ha! Sapul na sapul ako dito bes! TSE! Kapag inayawan ka na ng partner mo, bumitaw ka na bes. Wag mo irarason sakin na "diba kapag mahal mo, dapat ipaglaban mo?". Ano pang ilalaban mo kung sya na mismo ang naunang sumuko? Para mong sinabing kakapit ka pa pero wala ka naman kakapitan. Oo, mahal mo nga pero tandaan mo, kung mahal ka din nya, hindi ka nya bibitawan ng ganon ganon lang. Wag mo na ipilit yung sarili mo sa kanya kapag sinabi na nyang ayaw na nya sayo. Tandaan mo, hindi ka sardinas para ipagsiksikan mo ang sarili mo. Ang tawag dun "katangahan". Oh teka, alam ko may negative reaction dito. Na kapag hindi pinaglaban, mahina ka na? Hindi ganon yun! Kaya ka bibitaw na kasi may natitira ka pang respeto sa sarili mo. Dyan naman ako nagkulang. Haha! Ilang beses na nga sinabi sa akin na ayaw na nya pero pinipilit ko pa rin dahil nananalig ako na kaya pang ayusin ang lahat. Nakarelate ka no? Bes, ang salamin kapag nabasag na, hindi mo na maaayos ulit. Magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo. Kung ayaw mo naman agad bumitaw dahil nga nananalig kang masosolusyunan pa (tulad ng nangyari sakin), sige hahayaan kita na ilaban mo pero please lang, kung wala na talaga at ayaw na talaga nya, tama na. Di porke libre maging tanga, gagawin mo ng hobby. Ikaw na lang ang nananakit sa sarili mo kapag paulit-ulit mong nilaban. Nanghihinayang ka sa mga pinagdaanan nyo? Ay te, WAG! Sya nga hindi nanghinayang sa lahat ng memories at pinagdaanan nyo kaya bakit ka manghihinayang? Okay, plastik ako dun. Nanghinayang ako hindi dahil sa memories at mga nalagpasan namin. Nanghinayang ako kasi hinayaan nyang mawala yung tao na minahal at mamahalin sya ng totoong totoo at hindi dahil sa kung anong meron sya kundi dahil sa kung ano at sino sya. Kung ginawa at binigay mo naman na lahat ng kaya mo para i-save yung relationship nyo, wag ka na malungkot dahil alam mo sa sarili mo na hindi ka nagkulang. Sabi nga ng kanta ni Aiza Seguerra "ako ba ang syang nagkulang? O ikaw ang di lumaban?". Oo, mahirap bumitaw pero kelangan mo yan bes. Wag mo hayaan na lamunin ka ng kalungkutan. Deserve mo maging maligaya pero pano ka liligaya kung di ka pa nakakalet go? Kaya uulitin ko sayo, AYAW NA NYA SAYO, BITAW NA! Masakit mabasa? Isa pa, AYAW NA NYA SAYO, BITAW NA! Uulitin ko, AYAW NA NYA SAYO. Ay wait, nasabi ko na bang AYAW NA NYA SAYO? Haha!
At ang pinakahuli kong natutunan............
5. HINDI PALA SAPAT ANG PAG-IBIG LANG
- Sabi nga ng kanta "Sometimes, love just ain't enough". Akala ko dati sapat na yung mahal nyo yung isa't isa para magtagal kayo at magkaroon ng sarili nyong version ng "forever" pero maling mali pala ako. Minsan, kahit gano nyo pa kamahal ang isa't-isa, meron at meron pa rin na magiging hadlang sa inyo. May dalawa kang pwedeng gawin dyan: Ipaglaban mo o Bitawan mo. Laban o Bawi?! Pera o Bayong?! Kwarta o Kahon?! Haha! May mga magsasabi na kapag mahal nyo talaga ang isa't isa, ipaglalaban mo. Hindi ganyan ang tunay na labanan bes. Minsan kasi kahit ipaglaban mo, lalo lang kayo mapapasama sa paningin ng mga tao sa paligid nyo. Baka sadyang hindi pa talaga tama ang "timing" ng love story nyo o ang mas masakit na posibilidad, hindi lang talaga kayo para sa isa't isa. Aray! Biglang bumalik lahat ng sakit bes! Yung okay na okay naman kayo, ang saya saya nyo pa nga at talagang mahal nyo ang isa't isa, yung akala ng mga tao sa paligid nyo kayo na magkakatuluyan pero biglang dumating yung araw na sa isang kisapmata, natapos yung storya nyo. Gusto mo itanong bakit kelangan na ganon mangyari pero bes mas mahihirapan ka kung puro tanong. Bakit ganito? Bakit ganyan? Bakit? BAKIIIIIIT?! Mas makakabuti na tanggapin mo na lang ng maluwag sa dibdib. Alam ko, hindi madaling gawin, mas madaling sabihin lang pero maniwala ka, malalagpasan mo yan. I've been there. Marirealize mo din na kahit pala gano nyo kamahal ang isa't isa, yung akala nyong almost perfect na yung pagsasama nyo, hindi yun sapat para magarantiya yung "forever" nyo. Sabi nga ng mga bitter "walang forever". Pero dahil wala daw forever, ibig bang sabihin nyan wala ding forever alone? May point!
Tandaan, may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat. Masakit? Iiyak mo lang yan bes! Ako nga halos dalawang linggo umiyak at nagmukmok. Hahaha! Maniwala ka, darating ka rin sa point na ikaw mismo mapapagod na umiyak at magmukmok. Kapag nangyari yun, handa ka na magmove on at magbukas ng panibagong yugto ng buhay mo. Laban lang! Marami pang araw ang darating sayo. At isa pa, hindi naman ibibigay ni Lord sayo yang pagsubok na yan kung alam nyang di mo kaya. Isipin mo na lang na sadyang may mga tao talaga na pinakilala lang ni Lord sayo dahil may papel kang kelangang gampanan sa buhay nya at ganon din sya sayo. Hindi lahat ng pinapakilala ni Lord ay mananatili sa buhay mo. People come and go ika nga nila. Kung mawala man sya sa'yo, tandaan mo na lang na kung talagang para kayo sa isa't isa, babalik at babalik sya sa buhay mo. Pero sa ngayon, kelangan mo na lang muna isara yung pahina ng nakaraan mo at magsimula ulit para sa hinaharap. KAPIT LANG BES! Darating ang araw na maiintindihan mo kung bakit nangyari sayo yan at mararamdaman mo ang nag-uumapaw na blessings ni Lord. Kaya sa mga may pinagdadaanan din ngayon, daanan nyo lang, wag nyo tambayan. One last piece of advice, WAG KA MAPAPAGOD MAGMAHAL. Darating din ang tamang tao sa tamang panahon na magbibigay ng tamang pagmamahal na deserve mo kapag tama na ang lahat sa buhay mo.