DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Friday, July 24, 2015

Zark's SM Bacoor? Thumbs down!


I've always been a fan of Zark's Burger (Taft Branch to be exact). Na-try ko na ang BF branch nila at satisfied ako sa service nila. However, just few hours ago, I tried their newly opened SM Bacoor Branch and I would like to share my terrible experience.

Kung lasa lang naman ang pag-uusapan, wala na akong masasabi pa. Talagang masarap ang burgers nila. Sa serbisyo lang talaga nagkakaiba-iba. In fairness naman sa SM Bacoor, walang mahabang pila tulad ng kinasanayan ko sa Zark's Taft. Nakaupo agad kami at pumili ng order. Struggle talaga ang pagpili dahil lahat masarap. Sumensyas ako para malaman nila na oorder na kami. May nakakita sa akin pero dineadma lang ako. Inulit ko sumenyas na oorder na kami pero wala pa rin pumapansin sa amin. Nung nagsisimula na ako mainis, may lumapit na babae para kunin ang order namin. We decided to order three Deep Fried Burger with Bottomless Lemonade. Ilang minuto ang lumipas, may lumapit sa akin na crew at tinanong ako kung may order daw ba kaming drinks so I said "yes, tatlong Lemonade. Yung isa dun bottomless". Mabilis naiserve ang inumin namin. Naubos ko agad ang laman ng isang baso kaya humingi pa ako. Nakangiti pa ako habang sinabi sa babaeng crew nila na magpaparefill ako. She politely handed me my lemonade sabay tanong "ma'am, nakabottomless po ba kayo?". JUSMIYO! Obviously, nakabottomless ako. Hindi naman ako hihingi kung hindi diba? At isa pa, hindi nyo ba nililista sa orders na may nakabottomless? Okay, kumalma ako. Pinalampas ko yun. Maya-maya pa, may lumapit sa amin na lalaking crew naman at may dalang jawbreaker na burger sabay tanong sa amin ng "ma'am, dalawang jawbreaker po?". Sinagot ko naman ng maayos at sinabing hindi amin ang order na yun. Pagkaraan ng ilang minuto, may lumapit na naman, sabi nya "three-pointer ma'am?" at kalmado ko na namang sinabing hindi amin yun. ANO BA! Hindi nyo ba nililista kung saang table ang bawat order ng burger at mali-mali kayo ng hinahatiran? Matapos ang ilang beses na pagkakamali nila ng sineserve sa amin,  dumating din ang tamang order namin, deep fried burger! SA WAKAS! Inenjoy ko na lang ang pagkain ko para mawala ang pagkainis ko sa kanila. Dahil sa laki ng burger nila, hindi namin naubos yung inorder namin kaya nagpasya kami na ipabalot na lang. Sumenyas ako sa isang crew nila, lumapit sya at sinabi kong ipapatake-out ko na lang yung pagkain namin at bill-out na rin. Akala ko umalis lang yung lalaki para kunin yung resibo pero di na sya bumalik. Nakita ko sya na nakatayo na sa may pinto ng Zark's at nag-aabang lang ng tatawag sa kanya. HELLO?! SABI KO PAKITAKE-OUT NG PAGKAIN NAMIN! Kaya after nun sumenyas ako ulit sa ibang crew para ipatake-out yung pagkain at magbill-out na rin. Ang tagal kong sumenyas pero walang pumapansin. Maya-maya pa, may lumapit na lalaki at tinanong ako kung anong kailangan ko kaya inulit ko na naman kung bakit ako sumesenyas. Oo, naiinis na ako talaga. Di ko maaintindihan kung bakit parang ang hirap sa mga crew doon na pansinin ang mga kumakain eh yung iba naman nakatanga lang sa malapit sa pinto. 

I really don't recommend Zark's SM Bacoor. Walang sense ng pagiging organisado ang mga staff sa branch na yun. Surprisingly, a friend of mine shared her terrible experience in this branch as well. Sayang! Ang tagal ko naexcite para sa pagbubukas nila sa SM Bacoor tapos ganito pa ang mararanasan ko? Una at huling kain ko na yan sa Zark's SM Bacoor. Dadayo na lang ako sa Taft o kaya sa BF para sa mas maayos na serbisyo, Sana may mas maayos na training pa ang mga nagtatrabaho sa branch na yun kasi nakakasira ng image dahil ang ayos ayos sa ibang branches ng Zark's tapos pagdating sa SM Bacoor, lagpak ang performance. Kung gusto nyo mag-Zarks, try their other branches para siguradong maayos at organisado.