DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.

Wednesday, May 25, 2011

Hindi makatarungan yun!

"Wag mong gamitin ang uniporme at posisyon mo sa gobyerno para makalamang sa iba"


Ang dami talagang tao ang sinasamantala yung posisyon nila at uniporme. 

Habang nasa byahe ako kahapon papuntang school, may isang empleyado ng DOTC na sumakay (syempre bonggang bonggang uniform siya) tapos umupo dun sa tabi ko. Pareho kaming bagong sakay lang sa bus. Lumapit si "manong konduktor" tapos naningil na. Una akong siningil, so nagbayad ako. Sisingilin na dapat yung empleyado ng DOTC kaso ang lolo mo, parang pinamukha sa konduktor na sa DOTC sya nagtatrabaho at mukha namang wala siyang balak magbayad.

Teka teka teka lang, manong na nagtatrabaho sa DOTC. Hindi naman yata tama yang ginagawa mo. Hindi porke nagtatrabaho ka sa DOTC eh dapat hindi ka na magbayad. Duh! You don't have the right for that kind of immunity, anong feeling mo, presidente ka ng bus company at ikaw ang may-ari nun kaya hindi ka dapat magbayad? Manong naman, pare-pareho kayong nagtatrabaho kaya wala kang karapatan na gamitin ang uniporme at posisyon mo para makalamang sa ibang tao. Tsaka haller naman! Kung yun ngang sa Senate, sa Malacanang nagtatrabaho, nagbabayad sa bus, kaw pa?! Kung ayaw mo magbayad, bumili ka ng sarili mong bus! Hahahaha!!!

Nakakatawang isipin talaga no? May mga taong sadyang mapanlamang sa kapwa. In your case, you should be the model pa nga eh dahil nagtatrabaho ka sa gobyerno. Kung yung mga pulis nga, nagbabayad kapag sumasakay (although not all dahil may mga pulis din na ginagamit yung posisyon nila at uniporme para makalamang sa iba). All I can say is "manong, ANG KAPAL NG MUKHA MO". 


Sana matuto tayong sumunod sa batas (kahit yung simpleng pagbabayad ng tama). Sa mga taong mahilig manlamang sa kapwa, tigilan niyo na yan. Sabagay, I believe in the word "KARMA". At sa mga tao namang nalalamangan, wag kayong pumayag na ganun! Duh! You have your right and alam niyo naman na hindi tama yung ginagawa nila so why tolerate it? Diba! Yun lang. *bow* Haha!!!