Kahapon, nasa school ako para sa exam ko habang nasa Divisoria sila Mama, Papa at Lola. Oh yes, dumating na si lola sa Pinas. Yey! Nakakatuwa lang kasi yung kinwento sakin ng mom ko. Kumain daw sila sa Jollibee. Bumili si Lola ng dalawang piraso ng chickenjoy at isang extra large na french fries. Nagulat sila Mama nung tinago ni Lola yung isang piraso ng manok at tinago din yung french fries. Nung tinanong nila si Lola, sabi ni lola "para kay Arby ito tsaka yung french fries kasi hilig nya ito diba?". Awwww.... Parang commercial lang ng McDo. Yung tipong sabi nung lolo dun sa apo na kasama nya "ito, para sa paborito kong apo, si Karen". Sweeeet! Tapos hindi natulog si Lola hanggang hindi ako dumadating. Nakakatuwa rin kasi lagi daw tinatanong ni Lola kung dumating na daw ba ako, kung kumain na daw ba ako, kung anong kakainin ko pagdating ko sa bahay. I soooo love my lola. Am so lucky to have her. Sa mga lola at lolo ko sa mother and father's side, siya na lang ang nandito kaya super pinapahalagahan ko sya. Oo nga at makulit si lola pero I love her. Dahil sa mga kinukwento ng mom ko at ni Ate Amy pati ng pinsan ko, super nafifeel ko tuloy na special ako at mahal na mahal ako ng lola ko. Ang swerte ko kasi ang daming tao na nagmamahal sakin. Yun lang muna. Time to sleep na. Pinapatulog na ako ng lola ko. Byeeeeee.
DISCLAIMER:
The contents of this blog is the opinion of the writer alone and does not reflect the views of other people. Furthermore, this blog is not and will never be intended to malign any religion, group, organization, club, company or any individual. Please also be informed that the views or opinions expressed are solely intended for personal use and not to provide legal advice. Comments are very much welcome as you have your right to freedom of speech. You may agree or even disagree with the writer but do not forget that your right is not absolute and so the writer reserves the right to delete any comment for valid and just reasons.